Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Paano ihahambing ang ‘circuit breaker’ sa pinakabagong resolusyon ng IATF?

Maraming mga Facebook user ang nagkalat noong nakaraang linggo ng isang "anunsyo" umano tungkol sa isang "circuit-breaker lockdown" sa Metro Manila nang hindi bababa sa dalawang linggo simula Marso 22 kasunod ng biglang bugso ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

By VERA Files

Mar 25, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Maraming mga Facebook user ang nagkalat noong nakaraang linggo ng isang “anunsyo” umano tungkol sa isang “circuit-breaker lockdown” sa Metro Manila nang hindi bababa sa dalawang linggo simula Marso 22 kasunod ng biglang bugso ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng mga FB post na ang mga “non-essential” na negosyo, alinman sa National Capital Region (NCR) o sa lokal na mga hotspot area, ay isasara upang mapigilan ang mga aktibong kaso ng COVID-19. Ang Department of Health (DOH) ay nag-ulat ng pang-araw-araw na impeksyon na umabot ng hindi bababa sa 7,000 sa loob ng apat na magkakasunod na araw, ang pinakamataas mula nang magsimula ang pandemic, mula Marso 19 hanggang 22.

Ang dalawang linggong “circuit-breaker” lockdown ay para makontrol umano ang pagkilos ng mga tao bago at sa panahon ng Semana Santa.

Ngunit pinabulaanan ni Palace Spokesperson Harry Roque, sa isang press briefing noong Marso 21, ang umiikot na pahayag, at sinabing ang lahat ng mga kapasidad sa pagpapatakbo ng “essential at nonessential na mga serbisyo at industriya” ay mananatiling bukas:

“Wala po tayong lockdown. Fake news po iyong sinasabi na magkakaroon daw tayo ng circuit breaker. Hindi po totoo iyan. Ang Metro Manila po ay mananatili under GCQ [general community quarantine], kasama po ang mga probinsya ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal … Mayroon po tayong mga karagdagang mga restrictions (paghihigpit).”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, Marso 21, 2021, panoorin mula 2:17 hanggang 2:46

Sa halip, sinabi ni Roque na magkakaroon ng “bubble” sa NCR at sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal — tinukoy bilang “NCR Plus” — batay sa Resolution No. 104 na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force Management of Emerging Infectious Disease (IATF).

Ano ba ang “circuit breaker” at paano ito maihahambing sa “bubble” sa ilalim ng pinakabagong issuance ng IATF?

Katulad ng ginagawa ng isang electric circuit breaker, isang switch na “awtomatikong naghihinto” ng daloy ng isang overloaded na circuit ng kuryente, ang isang circuit-breaker lockdown ay tumutukoy sa isang set ng matinding paghihigpit na ipinapataw sa loob ng isang itinakdang panahon (karaniwang dalawang linggo o higit pa) upang “baligtarin ang takbo” ng isang rumaragasang pandemic, tulad ng iniulat ng maraming news media at ipinaliwanag sa isang press release noong 2020 ng Singapore Ministry of Health.

Isang video explainer ng BBC ang nagsabi na ang ganitong uri ng “lockdown” ay mas maikli, kumpara sa isang pangkaraniwang lockdown, sa pag-asang “mas maliit ang pinsala” nito sa ekonomiya at kalusugan ng isip ng mga tao.

Ang United Kingdom at Singapore, bukod sa iba pang mga bansa, ay dati nang nagpatupad ng mga circuit-breaker lockdown na magkakaiba ang itinagal.

Una nang pinalutang ni Roque ang ideya ng isang uri ng circuit breaker-lockdown sa isang presser noong Marso 18 nang sinabi niya na ito ay nasa agenda ng pagpupulong ng IATF kalaunan ng araw na iyon. Gayunpaman, sinabi ni Roque kinabukasan na ang panukala ay hindi napagkasunduan ng task force.

Sa isang briefing noong Marso 22, sinabi ng tagapagsalita na ang dalawang linggong bubble sa NCR at mga kalapit na lalawigan ay hindi papayagan ang pagpasok at paglabas ng mga tao, maliban kung sila ay authorized persons outside their residences (APOR), tulad ng mga essential na manggagawa na may wastong identification cards at frontliners, bukod sa iba pa.

Ang iba pang mga bahagi ng bansa sa labas ng bubble ay hindi sakop ng bagong resolusyon ng IATF.

Bukod dito, ipinagbabawal ang mga nonessential na paglalakbay sa loob at labas ng bubble. Ang pampublikong transportasyon ay gagana pa rin sa ilalim ng mga alituntunin mula sa Department of Transportation.

Ang 10 pm hanggang 5 am na curfew sa buong NCR at greater Manila bubble ay muling ipinatutupad.

NTF NCR+ Additional Restrictions from March 22 to April 4

Ang mga wala pang 18 taong gulang at higit sa 65 taong gulang, iyong may mga immunodeficiency, comorbidity o iba pang mga health risk, at mga buntis ay kinakailangang manatili sa bahay, maliban sa paglabas para sa mga kailangang-kailangang gawain tulad ng pagbili ng mahahalagang kalakal o para sa trabaho.

Sinabi ni Roque na malabo ang ayudang pera mula sa gobyerno sa panahon ng NCR Plus bubble dahil ang ekonomiya ay nanatiling bukas; limitado ang pagkilos ng mga manggagawa ngunit hinihimok na magtrabaho pa rin sa bahay.

Nilalayon ng NCR Plus bubble na ibaba ang bilang ng mga kaso ng kahit 25%, ayon kay Roque.

 

Mga Pinagmulan

Department of Health Official Facebook page, DOH COVID-19: Case Bulletin # 370, March 19, 2021

Department of Health Official Facebook page, DOH COVID-19: Case Bulletin # 371, March 20, 2021

Department of Health Official Facebook page, DOH COVID-19: Case Bulletin # 372, March 21, 2021

Department of Health Official Facebook page, DOH COVID-19: Case Bulletin # 373, March 22, 2021

ABS-CBN News, HIGHEST EVER: PH reports record-high 7,103 new COVID-19 cases, March 19, 2021

Inquirer.net, Cases hit new single-day high; tighter curbs urged, March 20, 2021

Rappler.com, PH logs over 7,000 COVID-19 cases, highest since pandemic began, March 19, 2021

Presidential Communications Operations Office Official Facebook page, Spox Roque Virtual Press Briefing, March 21, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing with Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, March 21, 2021

Presidential Communications Operations Office, Interview with Presidential Spokesperson Harry Roque by Karen Davila (ANC – Headstart), March 22, 2021

ABS-CBN News YouTube, Headstart, March 22, 2021

Official Gazette of the Philippines, Memorandum from the Secretary: Additional Measures to address the rising COVID-19 cases in the country, March 21, 2021

Pasig City Mayor Vico Sotto Official Facebook, IATF Resolution No. 104 s. 2021, March 20, 2021

Presidential Communications Operations Office Official Facebook page, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 22, 2021

Britannica.com, Circuit breaker, March 4, 2021

BBC News, Covid: What is a circuit-breaker could one fight the virus?, Nov. 20, 2020

Good Morning Britain YouTube, Do We Need A ‘Circuit Breaker’ Lockdown?, Oct. 14, 2020

CNBC, Coronavirus ‘circuit breakers’ and ‘firebreaks:’ What are they and do they work?, Oct. 20, 2020

CBC News: The National YouTube, What is a ‘circuit-breaker’ lockdown and does it work?, Nov. 12, 2020

Singapore Ministry of Health, Circuit Breaker to Minimise Further Spread of COVID-19, April 3, 2020

BBC News YouTube, Circuit breaker: What is a circuit-breaker lockdown?, Oct. 20, 2021

The Executive Office of the United Kingdom, Executive agrees two-week circuit breaker, Nov. 19, 2020

Government of Singapore, Ending circuit breaker: phased approach to resuming activities safely, June 1, 2020

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 18, 2021

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, March 18, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 19, 2021

PTV YouTube, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque, March 19, 2021

Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH Hosted by PCOO Undersecretary Rocky Ignacio, March 22, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Release: Palace assures whole-of-gov’t strategy continues coupled with localized responses to address COVID-19 surge, March 11, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, March 22, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.