Nag share ang dating special adviser ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 ng isang maling graphic na naglilista ng iba't ibang sintomas na sinasabing mula sa impeksyon ng Omicron virus variant. Lumabas ito habang ang bansa ay nakikipagbuno sa pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos ang mga holiday.