VERA FILES FACT CHECK: Dating Health Secretary Garin nagbago ng pananaw sa 4S program ng DOH
Nagbago ng paninindigan si Iloilo 1st district Rep. Janette Garin sa bisa ng programa ng Department of Health (DOH) kontra dengue na tinatawag na Enhanced 4S Strategy. Mula sa pagtaguyod nito bilang "susi" laban sa pagkalat ng dengue noong siya ay health secretary, si Garin ngayon ay naniniwala na bahagya lamang ang epekto ng estratehiya.