VERA FILES FACT CHECK: Ex-education usec inulit ang viral na maling pahayag na ‘tapyas’ sa bilang ng namatay sa US dahil sa COVID-19
Ikinalat ni dating education undersecretary at kandidato para senador noong 2019 Antonio "Butch" Valdes ang maling impormasyon na "inamin sa wakas" ng United States (US) Centers for Disease Prevention and Control (CDC) at World Health Organization (WHO) na ang bilang ng namatay sa US dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ay mas mababa kaysa sa orihinal na naiulat.