Ang mga pagpatay na hindi mabanggit sa SONA ni BBM
Makapangyarihan ang pananahimik ni Bongbong Marcos sa kanyang SONA. Winawala, pinaglalaho ng pananahimik na ito ang mga biktima ng kanyang rehimen. Tinatago nito ang mga anak sa mga naghahanap nilang ina. Ipinagkakait nito ang katahimikan at katarungan sa mga biktima. Binubura nito ang kasaysayan ng dahas na una nang sinulat sa dugo ng kanyang sariling kamay.