VERA FILES FACT CHECK: Matapos suportahan ang panawagan para sa ‘global ceasefire’ sa gitna ng pandemic, sinabi ni Duterte na ‘patay na’ ang truce sa ‘Reds’
Sa loob lamang ng apat na araw, nagbago ng posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte mula sa pagpapahayag ng suporta sa panukala sa United Nations (UN) para sa isang pandaigdigang tigil-putukan sa panahon ng pandemic hanggang sa pagpatay są anumang posibilidad ng pansamantalang paghinto ng pakikipaglaban sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa natitirang bahagi ng ang kanyang termino.