VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng Cagayan congressman na bumaligtad ang mga business group sa pagsuporta sa Cha-cha nangangailangan ng konteksto
Hindi tahasang sinabi ng MBC at FINEX na sila ay laban sa pag-amyenda sa mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon. Gayunpaman, tinutulan nila ang paraan na gusto ng House sa pagpasok ng mga susog, at binibigyang diin ang malaking halaga na gagastusin sa pagbuo ng isang Con-con at ang timing ng paggawa nito.