Sinabi ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez na ang Makati Business Club (MBC) at ang Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX) ay tumalikod sa kanilang suporta sa pag-amyenda sa 1987 Constitution. Ito ay nangangailangan ng konteksto.
Nagbigay ng reaksyon si Rodriguez sa joint statement noong Marso 24 na inilabas ng anim na malalaking organisasyon ng mga negosyante, kabilang ang MBC at FINEX, na tumututol sa mga hakbang sa House of Representatives para sa isang Constitutional convention (Con-con) para ipasok ang mga pagbabago sa mga probisyon sa ekonomiya ng Charter.
PAHAYAG
Sa isang pahayag noong Marso 26, sinabi ni Rodriguez:
“MBC and Finex are now against Charter amendments. Before this position, they were in favor of changing the Constitution’s economic provisions.”
(“Ang MBC at Finex ay kontra na ngayon sa mga pagbabago sa Charter. Bago ang posisyong ito, pabor sila sa pagbabago ng mga probisyon sa ekonomiya ng Konstitusyon.”)
Pinagmulan: Rep. Rufus Rodriguez Statement, Manila Bulletin, Malaya, The Philippine Star, Marso 26, 2023
KATOTOHANAN
Hindi tahasang sinabi ng MBC at FINEX na tutol sila sa pag-amyenda sa mga probisyon kaugnay ng ekonomiya sa Konstitusyon. Gayunpaman, tinutulan nila ang paraang gusto ng House para ipasok ang mga susog, na binibigyang diin ang malaking halaga gagastusin sa pagbuo ng isang Con-con at ang timing nang paggawa nito.
Ang halaga ng pagbuo ng Con-con, na tinantiya ng National Economic and Development Authority na nasa P14 hanggang P28 bilyon, ay “maaaring mas mahusay na magamit sa agrikultura upang matugunan ang mataas na inflation, transportasyon upang matulungan ang mga Pilipino na makapagtrabaho at makauwi nang maaga sa bahay, at kinakailangang mga serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, at social security,” sabi nila sa joint statement kasama ang Filipina CEO Circle, Justice Reform Initiative, Philippine Women’s Economic Network, Inc. at Women Business Council Philippines.
Inilarawan ng mga business group ang pagkakaroon ng Con-con upang amyendahan ang Saligang Batas bilang isang “potensyal na nakakagambalang panukala sa panahon na ang bansa ay maaaring nakahandang makabawi ng kanyang economic momentum.”
Sabi nila:
“Investors look for stability when making investment decisions. The possibly lengthy and fractious process of amending the Constitution may make investors take a wait and see attitude for an extended period of time and therefore derail the impact of the reforms.”
(“Ang mga mamumuhunan ay naghahanap ng katatagan kapag gumagawa ng mga desisyon sa pamumuhunan. Ang posibleng mahaba at putul-putol na proseso ng pag-amyenda sa Konstitusyon ay maaaring mag-udyok sa mga mamumuhunan na maghintay at makiramdam muna sa mahabang panahon at samakatuwid ay madiskaril ang epekto ng mga reporma.”)
Pinagmulan: Makati Business Club, Joint Statement on Proposed Constitutional Convention, Marso 24, 2023
Kinikilala ng mga grupo ng negosyo na ang mga ipinatupad na batas kamakailan – tulad ng Public Service Act, Retail Trade Liberalization Act, ang Foreign Investment Act – ay tumugon sa mga probisyon sa Konstitusyon na humahadlang sa kalakalan, pamumuhunan, pagbabago, kompetisyon, at paglago ng ekonomiya at trabaho.
BACKSTORY
Inaprubahan ng House of Representatives noong Marso 6 ang Resolution of Both Houses No. 6 sa botong 301 pabor, 6 laban at isang abstention. Ito ay nananawagan para sa isang Constitutional convention (Con-con) upang ipakilala ang mga susog sa mga probisyon sa ekonomiya ng Charter. Pagkalipas ng walong araw, inaprubahan ng Kamara ang House Bill No. 7352, isang panukalang-batas para sa RBH No. 6 na nagbibigay ng pamamaraan para sa pagtatatag ng isang Con-con. Hindi pa inaprubahan ng Senado ang RBH No. 6 at ang implementing bill nito.
Apat na senador – sina Aquilino “Koko” Pimentel III, Loren Legarda, Nancy Binay at Risa Hontiveros – ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa Charter change sa ngayon, at nagsabing maaaring madiskaril ang focus ng Kongreso sa pagtugon sa mga problema sa sektor ng agrikultura, kalusugan at paggawa.
Hindi bababa sa tatlong beses noong nakaraang buwan, ipinahayag ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na hindi prayoridad ang pagbabago ng Charter, na tinutugunan ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Makati Business Club, About Us, Accessed April 3, 2023
Financial Executives Institute of the Philippines, History, Accessed April 3, 2023
Rep. Rufus Rodriguez Statement
- Manila Bulletin, ‘They were in favor before’: Rodriguez calls out business groups for Cha-cha flip-flop, March 26, 2023
- Malaya Business Insight, Biz groups hit for flip-flop on Charter change issue, March 27, 2023
- The Philippine Star, Lawmaker accuses biz groups of ‘flip-flopping’ on Cha-cha, March 28, 2023
CNN Philippines, House leader: Charter change to cost ₱9.5 billion, Feb. 22, 2023
Inquirer.net, Charter change via con-con a ‘disservice’ to Filipinos, says Enrile, March 22, 2023
Makati Business Club, Joint Statement on Proposed Constitutional Convention, March 24, 2023
Official Gazette of the Philippines, Public Service Act, March 21, 2022
Official Gazette of the Philippines, Retail Trade Liberalization Act, Dec. 10, 2021
Official Gazette of the Philippines, Foreign Investment Act, March 2, 2022
Malaya Business Insight, Con-ass cheaper than con-con as Charter change mode – NEDA, March 3, 2023
House on RBH No. 6
- CNN Philippines, House OKs resolution calling for con-con on final reading, March 6, 2023
- ANC 24/7 Youtube Channel, Voting 301-6-1, PH House OKs resolution calling for economic reforms through con-con | ANC, March 6, 2023
- Inquirer.net, House OKs reso calling for Con-con to amend 1987 Constitution on third reading, March 6, 2023
House on H.B. 7352
- Philippine News Agency, House OKs bill calling for hybrid con-con to amend Charter, March 14, 2023
- Philstar.com, House approves constitutional convention bill on final reading, March 14, 2023
- GMA News Online, House approves con-con bill on final reading, March 14, 2023
Senators’ stance on Cha-Cha
- Inquirer.net, How senators are dancing, or not, to the first Cha-cha under Marcos, March 28, 2023
- Senate of the Philippines, Pimentel questions timing of Cha-cha, raises inclusion of foreign ownership of land in Cha-cha, March 27, 2023
- ANC 24/7, Legarda says ‘not in favor’ of Cha-cha at this time | ANC, March 1, 2023
- Senate of the Philippines, Reaction of Sen. Nancy Binay on the following issues of the day, Feb. 9, 2023
- Senate of the Philippines, STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON PROPOSED CHARTER CHANGE, Feb. 15, 2023
Zubiri on Cha-Cha
- ABS-CBN News, House set to approve ‘con-con’ bill; Zubiri says not a Senate priority, March 9, 2023
- Manila Bulletin, Zubiri: Con-Con will derail passage of 10 LEDAC bills, March 11, 2023
- Inquirer.net, Zubiri clarifies: Charter change stand remains, open to discuss bid with House, March 20, 2023
President Bongbong Marcos on Cha-Cha
- ABS-CBN News, Marcos Jr. says amending the Constitution is not his priority, Feb. 13, 2023
- CNN Philippines, Marcos: Charter change not a priority, Feb. 13, 2023
Manila Bulletin, Marcos: Charter change not a priority, Feb. 13, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)