Dalawang linggo matapos baguhin ang kanyang pahayag at sabihin ang kanyang kondisyon sa pagsuporta sa pag-amyenda sa 1987 Constitution, muling tinuligsa ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na isulong ang Charter change. Ito ang pangatlong beses mula noong Enero na nagbago siya ng paninindigan sa isyu.
(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte nag-flip-flop muli sa Charter change)
PAHAYAG
Sa prayer rally na tinawag na Laban Kasama ang Bayan sa Liwasang Bonifacio, Manila noong Marso 12, sinai ni Duterte sa kanyang mga supporter:
“Sabi nila, ito lang mga provision: edukasyon: papasukin natin ‘yang mga alaga… Princeton, kung ano… Maganda. Okay naman tayo. ‘Yung UP (University of the Philippines) natin ‘di naman matatalo. Education… advertisement… Para sa ‘kin, hindi na kailangan. Wala na… Wala! P*tang*na, kawala-walang kwenta. ‘Yan ang excuse ni Marcos noon, pati ang excuse ni Marcos noon. Marcos, Marcos. Pareho-pareho ‘yang linya. Except dito, sa isang linya lang, and’yan… ‘Yan lang ang target nila. Ito, excuse lang ito para mabuksan lang ang Konstitusyon. Hindi mo sabihin na ito lang ang galawin namin. Pag nagalaw ‘yung Konstitusyon, p*tang*na; walang makakapara. Lahat na, everything [goes].”
(“Sabi nila, ito lang mga probisyon: edukasyon: papasukin natin ‘yang mga alaga… Princeton, kung ano… Maganda. Okay naman tayo. ‘Yung UP (University of the Philippines) natin ‘di naman matatalo. Education… advertisement… Para sa ‘kin, hindi na kailangan. Wala na… Wala! P*tang*na, kawala-walang kwenta. ‘Yan ang palusot ni Marcos noon, pati ang palusot ni Marcos noon. Marcos, Marcos. Pareho-pareho ‘yang linya. Pero dito, sa isang linya lang, and’yan… ‘Yan lang ang target nila. Ito, palusot lang ito para mabuksan lang ang Konstitusyon. Hindi mo sabihin na ito lang ang galawin namin. Pag nagalaw ‘yung Konstitusyon, p*tang*na; walang makakapara. Lahat na, lahat [pwede pakialaman].”)
Pinagmulan: Sonshine Media, FULL SPEECH: Former President Rodrigo Duterte during the Laban Kasama Ang Bayan Prayer Rally, Marso 12, 2024, panoorin mula 11:24 hanggang 12:39
Binigyang-diin ni Duterte na ang tunay na layunin ng pagsusulong ng administrasyon para sa Cha-cha ay palawigin ang termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. – tulad ng ginawa ng kanyang ama. Sinabi niya:
“One term lang ang president. Six years, walang re-election — kagaya sa ‘kin. ‘Yung Constitution na inabot under which Marcos was elected, ganun rin: one term, six years. Ito, excuses na lang ito. Kagaya nito ni Marcos, noong sa tatay niya. Ang puntirya talaga nila, ito, dito, eto: ‘yung term extension.”
(“Isang termino lang ang presidente. Anim na taon, walang re-election – kagaya sa ‘kin. ‘Yung Konstitusyon na inabot sa ilalim kung saan nahalal si Marcos, ganun rin: isang termino, anim na taon. Ito, mga palusot lang ito. Kagaya nito ni Marcos, noong sa tatay niya. Ang puntirya talaga nila, ito, dito, eto: ‘yung pagpapalawig ng termino.”)
Pinagmulan: panoorin mula 13:32 hanggang 14:14
ANG KATOTOHANAN
Noong Peb. 25, nagsalita si Duterte sa isa pang prayer rally sa Kasadya SRP Grounds sa Cebu City, na sumusuporta sa Charter change sa kondisyon na walang susog na pabor sa kasalukuyan at sa hanay ng mga lider na ihahalal sa susunod na halalan. Sinabi niya:
“Ako, magsuportar… changes in the Constitution… economic provisions, whatever… Even in the terms sa tanang chapter diha, apil na ang kanang termino sa president… Okay ko basta dili mo pabor sa galingkod karon ug sa sunod na eleksyon.”
(“Ako, magsuporta… mga amend sa Konstitusyon… mga probisyon pang ekonomiya, kung ano man… Kahit sa mga tuntunin sa tanang chapter diha, apil na ang kanang termino sa presidente… Okay ko basta dili mo pabor sa galingkod ngayon at sa sunod na eleksyon.”)
Pinagmulan: DZAR 1026, FULL COVERAGE: Candlelight Prayer Rally sa Cebu City, Peb. 25, 2024, panoorin mula 5:40:00 hanggang 5:40:32
BACKSTORY
Ito na ang ikatlong beses na binago ni Duterte ang kanyang posisyon sa Charter change.
Noong siya ay nangangampanya para sa pagkapangulo noong 2016 at sa kanyang termino, aktibong isinulong ni Duterte ang paglipat sa federal form ng gobyerno bilang isang paraan upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao. Ang panukalang transisyon na ito mula sa presidential form of government ay nangangailangan ng rebisyon, hindi lamang ng amyenda, ng 1987 Konstitusyon.
Bumuo siya ng consultative committee na tumapos ng balangkas ng konstitusyon noong 2018, ngunit nabigo siyang makakuha ng suporta mula sa Kongreso at sa publiko.
Noong Enero 6, nagsagawa ng press conference si Duterte sa Davao City kung saan ipinahayag niya ang kanyang matinding oposisyon sa mga pagsisikap ng administrasyon na amyendahan ang Konstitusyon, at sinabing perpekto ang Charter at wala siyang nakikitang dahilan para baguhin ito. Inulit niya ang kanyang paninindigan noong Enero 31, at nagpaliwanag na ang pag-amyenda sa Konstitusyon ay “isang mekanismo para sa pagpapatuloy ng kapangyarihan.”
Pagkatapos ay bumalik siya sa kanyang unang posisyon noong Peb. 25 na may mga partikular na kundisyon, para lamang muling kondenahin ang pagbabago ng Charter.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
DZAR 1026, FULL COVERAGE: Candlelight Prayer Rally sa Cebu City, Feb. 25, 2024
Broadcaster Dennis R. Lazo, Former President Rodrigo Duterte Meet the Press – Grand Men Seng Hotel, Davao City, Jan. 6, 2024
One News PH, RECORDED EARLIER: FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S PRESS CONFERENCE IN DAVAO CITY, Jan. 31, 2024
ABS-CBN News, Duterte: Federalism is key to peace in Mindanao, Nov. 30, 2015
On Duterte giving up on federalism
- GMA News Online, Duterte: If you don’t want federalism, fine, June 25, 2019
- Inquirer.net, Duterte: ‘If you do not want federalism, fine, but change the Constitution’, June 25, 2019
- The Philippine Star, Federalism may not gain support – Duterte, June 26, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)