Mahigit isang buwan matapos sabihin na ang 1987 Constitution ay “nasa perpektong kondisyon” at walang nakikitang dahilan para ito ay amyendahan, sinabi ngayon ni dating pangulong Rodrigo Duterte na sinusuportahan niya ang kasalukuyang pagsisikap na amyendahan ito basta ang mga pagbabago ay hindi mapakikinabangan ng mga nanunungkulan at hanay ng mga pinunong ihahalal sa susunod na halalan.
PAHAYAG
Sa pagsasalita sa isang prayer rally sa Kasadya SRP Grounds sa Cebu City noong Peb. 25, sinabi ni Duterte:
“Ako, magsuportar… changes in the Constitution… economic provisions, whatever… Even in the terms sa tanang chapter diha, apil na ang kanang termino sa president… Okay ko basta dili mo pabor sa galingkod karon ug sa sunod na eleksyon.”
(“Ako, magsuporta… amyenda sa Constitution… mga probisyong pang ekonomiya, kung ano man… kahit sa mga tuntúnin sa tanang chapter diha, apil na ang kanang termino sa presidente… Okay ko basta dili mo pabor sa galingkod ngayon at sa sunod na eleksyon.”)
Pinagmulan: DZAR 1026, FULL COVERAGE: Candlelight Prayer Rally sa Cebu City, Peb. 25, 2024, panoorin mula 5:40:00 hanggang 5:40:32
ANG KATOTOHANAN
Sa isang press conference sa Davao City noong Enero 6, ipinahayag ni Duterte ang kanyang hindi pagsang-ayon sa Charter change. Sinabi niya:
“Hindi ako sang-ayon. We have a good Constitution. There is absolutely… I find it in perfect condition; absolutely nothing wrong with it.”
(“Hindi ako sang-ayon. Mayroon tayong magandang Konstitusyon. Talagang mayroon… Nasa perpektong kondisyon ito; talagang walang mali dito.”)
Pinagmulan: Broadcaster Dennis R. Lazo, Former President Rodrigo Duterte Meet the Press – Grand Men Seng Hotel, Davao City, Enero 6, 2024, panoorin mula 27:16 hanggang 27:37
Sinabi ni Duterte sa isa pang press conference sa Davao City noong Enero 31 na ang kasalukuyang pagsisikap na amyendahan ang Konstitusyon ay “isang mekanismo para sa pagpapatuloy ng kapangyarihan.” Ipinaliwanag niya:
“Alam mo kasi the purpose of this constitutional change, it’s not for anything. It’s not even for parliament or the essence of [the] presidential type. It’s a mechanism for perpetuation of power.”
(“Alam mo kasi ang layunin nitong pagbabago sa konstitusyon, hindi ito para sa kung ano man. Ito ay hindi kahit para sa parlyamento o ang kakanyahan ng presidential type. Ito ay isang mekanismo para sa pagpapatuloy ng kapangyarihan.”)
Pinagmulan: One News PH, RECORDED EARLIER: FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S PRESS CONFERENCE IN DAVAO CITY, Enero 31, 2024, panoorin mula 28:48 hanggang 28:54
(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Mula sa pagtanggi na walang siyang kinalaman sa destab efforts laban kay Marcos, nanawagan ngayon si Duterte sa AFP at PNP na hadlangan ang mga hakbang sa Cha-cha at VERA FILES FACT CHECK: Mula sa pagtanggi na walang siyang kinalaman sa destab efforts laban kay Marcos, nanawagan ngayon si Duterte sa AFP at PNP na hadlangan ang mga hakbang sa Cha-cha)
BACKSTORY
Mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo noong 2016 hanggang sa natapos ang kanyang termino noong 2022, nais ni Duterte na amyendahan ang 1987 Constitution at baguhin ang sistema ng gobyerno ng bansa mula presidential tungo sa federal bilang isang paraan upang makamit ang kapayapaan sa Mindanao.
Bumuo siya ng consultative committee na nagtapos ng draft ng konstitusyon noong 2018. Gayunpaman, hindi siya nagtagumpay sa pag-rally ng suporta mula sa Kongreso at publiko para sa paglipat sa federalism.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Broadcaster Dennis R. Lazo, Former President Rodrigo Duterte Meet the Press – Grand Men Seng Hotel, Davao City, Jan. 6, 2024
One News PH, RECORDED EARLIER: FORMER PRESIDENT RODRIGO DUTERTE’S PRESS CONFERENCE IN DAVAO CITY, Jan. 31, 2024
ABS-CBN News, Duterte: Federalism is key to peace in Mindanao, Nov. 30, 2015
On Duterte giving up on federalism
- GMA News Online, Duterte: If you don’t want federalism, fine, June 25, 2019
- PNA, PRRD won’t insist on federalism but still wants Cha-cha, June 26, 2019
- The Philippine Star, Federalism may not gain support – Duterte, June 26, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)