Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Locsin mali ang pahayag sa approval rating ni Duterte

Hindi tama ang sinabi ni Foreign Secretary Secretary Teodoro Locsin Jr. na "approve" kay Pangulong Rodrigo Duterte "to the max" at "walang pasubali” ang mga sumagot sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

By VERA Files

Nov 21, 2020

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi tama ang sinabi ni Foreign Secretary Secretary Teodoro Locsin Jr. na “approve” kay Pangulong Rodrigo Duterte “to the max” at “walang pasubali” ang mga sumagot sa pinakahuling survey ng Pulse Asia.

PAHAYAG

Noong Nob. 19, muling nag-tweet si Locsin ng ulat ng ABS-CBN news kung saan nagbigay ng reaksyon ang abugadong si Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, sa 17-minutong rant ni Duterte laban sa bise presidente kamakailan.

Sa kanyang pahayag noong Nob. 17, “binalaan” ni Duterte si Robredo sa umano’y “pagsisinungaling” tungkol sa kanyang pagkawala, at pagsisimula ng trend ng #NasaanAngPangulo (#WhereIsThePresident) sa social media habang rumaragasa ang Bagyong Ulysses.

Pinasinungalingan ni Gutierrez ang paratang, idinagdag, “Bakit ka mai-insecure kung ikaw (Duterte) ay mayroong 91 percent approval rating ?,” na sinipi sa headline ng ulat na balita.

Sa caption ng kanyang retweet, sinabi ni Locsin:

He does have 91% approval; remaining 9% are kids who weren’t polled. He doesn’t want to disappoint the 91% whose approving cooperation makes possible his successful fight against crime & contagion. 91% approve of everything he’s done so far; everything, todo (to the max), no exceptions.

(Mayroon siyang 91% approval; ang natitirang 9% ay mga bata na hindi na survey. Hindi niya nais na biguin ang 91% na ang pag-aprubang kooperasyon kaya’t posible ang kanyang matagumpay na paglaban sa krimen at contagion. 91% ang approve sa lahat ng nagawa niya sa ngayon; lahat, todo, walang pasubali.)”

Pinagmulan: Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “He does have 91% approval…,” Nob. 19, 2020

Ang post ng kalihim sa Twitter ay nakakuha ng higit sa 100 retweets mula noon hanggang sa aral ng publication, at maaaring umabot sa higit sa 22,900 katao sa platform pa lang, batay sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

ANG KATOTOHANAN

Mali si Locsin: ang 91% “approval” rating na nakuha ni Duterte sa pinakahuling survey ng Pulse Asia tungkol sa trust at approval ratings ay kombinasyon ng mga tao na “talagang aprobado” at “medyo aprobado“ sa performance ng pangulo.

Ang poll, na isinagawa mula Set. 14 hanggang 20, ay nagtanong sa 1,200 mga Pilipino na may edad 18 taong gulang pataas sa buong bansa tungkol sa kanilang “opinyon” sa kung paano ang bawat isa sa limang nangungunang mga opisyal ng gobyerno (president, vice president, Senate president, House speaker, at chief justice) isinakatuparan ang kanilang mga tungkulin sa nagdaang tatlong buwan.

Inatasan ang mga respondent na i-rate ang mga opisyal na gamit ang sumusunod na sukatan:

Talagang aprobado

 

(Truly approve)

 

Medyo aprobado

 

(Somewhat approve)

 

Maaring aprobado o maaaring hindi aprobado

 

(May approve or may disapprove)

 

Medyo hindi aprobado

 

(Somewhat disapprove)

 

Talagang hindi aprobado

 

(Truly disapprove)

 

Not aware

Sa isang email sa VERA Files noong Nob. 20, sinabi ni Ana Maria Tabunda, research director ng Pulse Asia Research, na hindi nagbigay ng kahulugan para sa mga rating ang kumpanya ng survey.

Sa 91% “approval” rating ni Duterte, humigit-kumulang 66% ang nagsabing sila ay “tunay sang-ayon“ habang 25% ang nagsabing “medyo sang-ayon,” sinabi ni Tabunda sa email.

Mula sa 1,200 representative sample, humigit-kumulang limang porsyento ang nagsabing sila ay “hindi sang-ayon” sa performance ni Duterte, habang ang isa pang limang porsyento ay “undecided.” Sila ay inilarawan ni Locsin na “natitirang siyam na porsyento ng mga bata na hindi na-survey.”

Sa parehong paraan, ang limang porsyentong “disapproval” rating ay ang kabuuan ng mga nagsabing silly ay “ttruly disapprove” (2%) at “somewhat disapprove” (3%) sa performance ng pangulo.

 

Kuha ang screenshot mula sa opisyal na website ng Pulse Asia

Ang kabuuan ng mga numero ay higit sa 100% “dahil sa rounding,” sinabi ni Tabunda.

Ang survey ay mayroong margin of error na ± 2.8 porsyento. Bago ang rounding, ang breakdown ng mga approval rating ni Duterte, ayon kay Tabunda, ay:

Truly approve (Talagang aprobado): 65.55%

Somewhat approve (Medyo aprobado): 25.27%

Somewhat disapprove (Medyo hindi aprobado): 2.56%

Truly disapprove (Talagang hindi aprobado): 2.01%

Undecided (Walang pasya): 4.61%

 

Mga Pinagmulan

Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, “He does have 91% approval…,” Nov. 19, 2020

ABS-CBN News, Robredo camp tells Duterte: ‘Why be insecure if you have a 91 percent approval rating?’, Nov. 19, 2020

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Nov. 17, 2020, watch from 1:50 to 19:35

GMA News Online, ‘Kalokohan lang ng oposisyon,’ Roque says of #NasaanAngPangulo, Nov. 13, 2020

Inquirer.net, Roque plea to netizens: Stop asking ‘Nasaan ang Pangulo?’, Nov. 14, 2020

ABS-CBN News, Duterte to Filipinos asking #NasaanAngPangulo: ‘We were working’, Nov. 14, 2020

Pulse Asia, September 2020 Nationwide Survey on the Performance and Trust Ratings of the Top Philippine Government Officials and the Performance Ratings of Key Government Institutions, September 2020, Accessed on Nov. 19, 2020

Email interview, Pulse Asia Research – Research Director Ana Maria Tabunda, Nov. 20, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.