Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ito ang mga krimen na sinabi ni Duterte na kanyang nagawa

Kung hindi siya presidente, at walang immunity sa paghahabla, maaaring maparusahan si Duterte sa mga krimeng ito.

By VERA Files

Sep 26, 2017

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kakaiba ang mga talumpati si Pangulong Rodrigo Duterte. Hindi ito ang kinaugalian na, sa katunayan, ang ilan sa kanyang mga pahayag ay mistulang pag-amin ng mga krimen.

Kung hindi siya presidente, at walang immunity sa paghahabla, maaaring maparusahan si Duterte sa mga krimeng ito.

Wiretapping

Sa isang speech noong Sept. 21, binanggit ni Duterte ang tungkol sa kanila Iloilo City Mayor Jed Mabilog at dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, na pareho niyang inakusahan ng pagkakaugnay sa iligal na droga.

Sinabi niya sa mga reporter na nakinig siya sa “na-tap” na pribadong komunikasyon ng alinman kay Mabilog o Parojinog, na naunang napatay sa isang raid ng pulisya.

Sabi ni Duterte:

“Nakikinig ako sa kanya. Huwag mo akong tanungin kung paano ko, anong uri ng aparato para makinig. Ito ay bulong mula sa Diyos, nakikinig ako sa kanya. Kaya lahat sila ay na-tap. ”

Pinagkunan: Media interview in Marawi City, Sept. 21, 2017, panoorin mula 46:53 – 47:10

Bagama’t hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ng presidente sa pag gamit ng panghalip na “kanya,” o kung iniutos niya ang pag-wiretapping mismo, ang pagkakaroon ng mga talaan ng mga pribadong komunikasyon ay isang paglabag sa batas na anti-wiretapping.

Ang wiretapping ay legal lamang sa pamamagitan ng isang utos ng korte.

Ang mga lalabag sa batas na ito ay ibibilanggo ng hindi kukulangin sa anim na buwan o higit sa anim na taon. Ang mga pampublikong opisyal diskwalipikado mula sa pampublikong opisina, kung ginawa nila ang krimen habang nasa serbisyo.

Paghahamon sa isang duwelo

Noong Set. 8, hinimok ni Duterte ang mga sundalo na hamunin si Sen. Antonio Trillanes IV sa isang duwelo, at sa paglaon ay sinabi niya na siya mismo ang hahamon sa senador.

Sinabi niya:

“‘Pag ganun, tindigan ninyo. Sabihin mo, “P****g i*a ka. Lumabas ka diyan. Draw tayo.” Hambugero. Talawan man na. Asus. Ako’y mu engkwentro ana .”

Pinagkunan: Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his Attendance to the 17th Araw ng Digos, September 8, 2017, panoorin mula 16:32 – 16:46

Ang paghahamon sa isang duwelo, kahit na isang sinaunang krimen, ay may katumbas na parusa sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sinuman “na manghahamon sa isa pa, o mag-uudyok ng isa pa na bigyan o tanggapin ang hamon sa isang duwelo, o manuya at/o maliitin ang isa pa sa publiko dahil sa pagtanggi na tanggapin ang hamon na lumaban sa isang duwelo” ay nahaharap na magdusa sa bilangguan ng anim na buwan hanggang dalawang taon at apat na buwan.

Pagmamay-ari ng baril na walang lisensya

Sa parehong speech noong Set. 8, sinabi ni Duterte na nagmamay-ari siya ng baril na walang lisensya.

Bakit nga pala ako nakadala ng baril? Wa’y lisensya ni ha. Di ko man kinahangla’g lisensya mupatay’g tao. Nagadala gyud ko kay dili man ni para sa kontra. Naa man gani’y daghang security.”

Pinagkunan: Speech of President Rodrigo Roa Duterte during his Attendance to the 17th Araw ng Digos, September 8, 2017, panoorin mula 16:47 to 17:10

Pinarurusahan ng Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang “labag sa batas na pagkuha, pagmamay-ari ng mga baril at bala.”

Ang mga lalabag sa batas na ito ay nahaharap sa anim na taon hanggang permanenteng pagkakabilanggo, depende sa uri ng armas at bala na ilegal nilang nakuha.

Murder o homicide

Sa kanyang ikalawang State of the Nation Address noong Hulyo 24, sinabi ni Duterte na mayroon siyang napatay:

May pinatay ako, tama ‘yan.”

Pinagkunan: Second State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, July 24, 2017, panoorin mula 1:29:45 – 1:29:52

Pinarurusahan ng Revised Penal Code ang homicide ng pagkabilanggo ng 12 hanggang 20 taon, at murder, o planong pagpatay, ng permanenteng pagkabilanggo.

Corruption

Noong Hunyo 28, sinabi ni Duterte na nakibahagi siya sa korapsyon:

“At tsaka kayo, kinamumuhian ko ang korapsyon. Hindi ako nagmamakalinis. Marami rin akong nanakaw pero naubos na. So wala na. P****g i*a, hindi ako nagmama — pero ang korapsyon ay wala talaga sa termino ko.”

Pinagkunan: Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the 140th Founding Anniversary of Philippine Chinese Charitable Association, Inc. (PCCAI), June 28, 2017, panoorin mula 38:08 – 38:28

Ilang mga batas ang nagpaparusa sa graft and corruption.

Nakasaad sa 1987 Constitution na ang presidente ay “maaaring tanggalin sa katungkulan sa pamamagitan ng impeachment dahil sa, at pagkapatunay na nagkasala ng, paglabag sa Konstitusyon, pagtataksil, panunuhol, korapsyon, iba pang mga mataas na krimen, o pagkakanulo ng pagtitiwala ng publiko.”

Pinarurusahan ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang mga nagkasala ng pagkabilanggo ng anim hanggang sa 15 taon at pang habangbuayh na diskwalipikasyon sa pampublikong tanggapan.

Pinarurusahan din ng Revised Penal Code ang mga opisyal ng publiko na napatunayang nagkasala ng graft and corruption na walong taon hanggang permanenteng pagkabilanggo. Ang kaparehong parusa ay ibinibigay para sa mga taong gumawa ng panunuhol. Nalalapat ang mga multa depende sa bigat ng pagkakasala.

Mga pinagkunan:

Section 28 of the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013

(1965). Republic Act No. 4200. In Cruz (Ed.), The Revised Penal Code with Related Laws, Fourth Edition (pp. 284-286). Quezon City: UP Law Complex.

(1930). Crimes Against Persons. In Cruz (Ed.), The Revised Penal Code with Related Laws, Fourth Edition (pp. 95-96). Quezon City: UP Law Complex.

(1930). Section Two. Bribery. In Cruz (Ed.), The Revised Penal Code with Related Laws, Fourth Edition (p. 84-85). Quezon City: UP Law Complex.

Section 2, Article XI of the 1987 Constitution

Sections 3 and 9 of the Anti-Graft and Corrupt Practices Act of 1960

Interview with lawyer Cristina Sevilla

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.