VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Sandro Marcos na ang paghina ng piso ay dahil lamang sa malakas na dolyar nangangailangan ng konteksto
Sa isang briefing sa mga mamamahayag, sinisi ni Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang malakas na dolyar sa paghina ng piso, at sinabi na hindi lamang Pilipinas ang nakararanas ng pagbaba ng halaga ng pera.Ito ay nangangailangan ng konteksto.