VERA FILES FACT CHECK: Flier ng ‘Duterte Legacy’ pinaghalo-halo ang totoo, mali, nakaliligaw, walang konteksto na datos
Noong Enero 17, inilunsad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kampanyang “Duterte Legacy” upang ipakita ang “tagumpay at sakripisyo na ginawa ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang administrasyon para mapa-unlad ang bansa,” sabi ng Philppine News Agency na pag-aari ng gobyerno.