VERA FILES FACT CHECK: Bongbong Marcos naglabas sa vlog ng limang hindi tumpak na pahayag sa mga sistema ng halalan
Isang vlog ni dating senador Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. dalawang buwan na ang nadaran ang naglalaman ng mga hindi totoo at mapanlinlang na mga pahayag tungkol sa sistema ng eleksiyon sa Pilipinas at patuloy na umiikot sa social media.