Isang vlog ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dalawang buwan na ang nadaran ang naglalaman ng mga hindi totoo at mapanlinlang na mga pahayag tungkol sa sistema ng eleksiyon sa Pilipinas at patuloy na umiikot sa social media.
Nai-post ito noong Peb. 20 sa kanyang Facebook (FB) at YouTube account matapos na nagkakaisang ibinasura ng Supreme Court (SC) — na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) — ang kanyang protesta sa eleksyon laban kay Vice President Leni Robredo. Ang anim-na-minutong video ay umikot sa paratang ni Marcos na ang automated na sistema ng halalan ay humahantong sa pandaraya at panlilinlang, at isinulong ang isang “hybrid na sistema ng halalan” bilang alternatibo.
Ang clip ay nagsimula sa maling pahayag ng abugado ni Marcos na si Vic Rodriguez na ang binasura lamang ng PET ay ang pangalawang cause of action ng dating senador para sa recount sa mga piling pilot provinces, at hindi ang kanyang pangatlong cause of action na ipawalang bisa ang mga boto sa tatlong lalawigan sa Mindanao dahil sa sinasabing pandaraya.
Isang na-update na SC briefer noong Peb. 16 ang nagbanggit na binalewala ng tribunal ang “buong electoral protest” ni Marcos. Ito ay muling kinumpirma ng buong desisyon ng SC, na inilabas noong Abril 19, na nagsasaad: “Sa kabuuan ang pangatlong cause of action ay nabigo at iniwaksi rin.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa pagbabasura ng PET sa poll protest ni Marcos laban kay Robredo)
Sinuri ng VERA Files Fact Check ang mga pahayag ni Marcos sa kanyang Peb. 20 vlog at nakitang ang isa ay hindi totoo, tatlo ang nakaliligaw, at isa pa ang nangangailangan ng konteksto.
Alamin nang husto ang tungkol sa bawat pahayag:
Sa bilis ng manu-manong pagbibilang
Ipinapakita ng pinakabagong datos na ang bilang ng mga botante bawat presinto ay mula 200 hanggang 1,000, ayon kay Commission on Elections (Comelec) Spokesperson James Jimenez. Ang manu-manong pagbibilang ng mga boto mula sa 600 hanggang 800 botante sa loob ng ilang oras ay “napatunayan nang paulit-ulit na [mali] sa mga pag-aaral ng COMELEC,” dagdag niya.
Sa isang mensahe sa Viber sa VERA Files Fact Check, sinabi ni Jimenez, director din ng Comelec Education and Information Department, na “kahit na sa ilalim ng clinical conditions, tumatagal ng ilang oras para makumpleto ang bilang ng mas kaunting mga balota.”
Ipinakikita ng historical records ng election watchdog National Movement for Free Elections (NAMFREL) na ang manu-manong pagtatala at pagbibilang ng mga boto sa isang presinto na may 200 hanggang 250 na botante ay maaaring tumagal ng lima hanggang 24 na oras, ayon kay national council member Angel Averia.
Sa mga bansa na gumagamit ng ‘manu-manong pagboto’
Sinabi ni Marcos bilang preface sa kanyang pahayag na maraming mga bansa ang tumigil na sa “electronic voting.” Ang kasamang graphic sa kanyang video ay hindi ginamit ang kanyang mga salita at sa halip ay nagsabing: “209 sa 227 mga bansa ang gumagamit pa rin ng mga papel na balota.”
Ito ay nakaliligaw. Ang paggamit ng mga balotang papel ay hindi nangangahulugang ang isang bansa ay hindi nag-o-automate ng anumang bahagi ng proseso ng pagboto.
Isang search ang nagdala sa VERA Files Fact Check sa isang Okt. 30, 2020 na artikulo ng think tank na nakabase sa United States na Pew Research Center, na kamukha ng datos ni Marcos: 209 sa 227 mga bansa na sinubaybayan ng ACE Electoral Knowledge Network ay gumagamit ng mga papel na balota.
Kasama rito ang Pilipinas, kung saan ang mga balotang papel ay manu-manong minamarkahan sa panahon ng mga botohan. Ang automated sa bansa noong 2016, 2019, at darating na halalan sa 2022 ay ang pagbibilang, pag-canvass, at transmission ng mga boto.
Ang dalawa sa tatlong mga bansa na binanggit ni Marcos na “huminto” sa electronic voting — ang Finland at Ireland — ay sumubok ng isang uri ng pagboto na fully electronic, nagsisimula sa pagpili ng mga kandidato na ginagawa sa pamamagitan ng isang makina.
Sa mga bansang bumabalik sa manu-manong pagboto
Sinipi ni Marcos ang isang artikulo noong 2018 tungkol sa kaso sa Finland, kung saan ang isang working group na hinirang ng Ministry of Justice ay nagpasya sa isang 2017 feasibility study na “ang online na pagboto ay hindi dapat gawin sa mga general election dahil ang mga panganib ay mas malaki kaysa sa mga benepisyo nito.”
Tinukoy ng Encyclopedia Britannica ang pagboto sa online bilang isang sistema kung saan maaaring bumoto sa pamamagitan ng Internet nang hindi pumupunta sa isang election precinct o manu-manong pinupunan ang mga balota.
Ito ay naiiba sa electronic voting, kung saan ang pagpili ng mga kandidato ay ginagawa sa pamamagitan ng tulong ng isang computer.
Ang Pilipinas ay hindi gumagamit ng online voting. Hindi rin masasabi na ito gumagamit ng electronic voting. Ipinaiiral nito ang isang automated election system na gumagamit ng mga papel na balota para maitala ang mga boto, at pagkatapos ay binibilang, kina-canvass, at ipinapadala ang mga resulta ng pagbibilang ng boto electronically.
Sa porsyento ng mga boto na binibilang noong 2013
Habang 76% lamang ng kabuuang mga boto ang naihatid sa transparency server ng Comelec noong May 2013 national at local elections, na iniulat ng media, “hindi ito ang batayan para sa opisyal na bilang,” ayon kay Jimenez.
Sinasalamin lamang ng transparency server ang datos na natanggap ng Comelec sa central server nito — ang “central repository ng lahat ng mga resulta sa halalan” — mula sa mga vote counting machine at board of canvassers na real time. (VERA FILES FACT SHEET: 3 things you should know about Comelec’s transparency server)
Sa kaso ng sumablay na electronic transmission, sinabi ni Jimenez na ang mga resulta ng botohan “ay maaari pa ring pisikal na ihatid sa pamamagitan ng storage media sa susunod na antas ng canvassing” alinsunod sa mga contingency plan ng Comelec.
Sinabi rin ni Jimenez sa isang joint congressional hearing noong Hunyo 2019 na 1,051 o 1.22% ng 85,769 vote counting machines (VCMs) na hindi gumana ay napalitan, habang 2,246 na mga depektibong SD card, o 1.31% ng mga talagang ginamit, ang naisaayos sa panahon ng 2019 midterm elections. Sa isang press conference noong Mayo 14, 2019, isang araw pagkatapos ng halalan, sinabi ng Comelec na 1,253 sa 1,665 na mga sirang SD card ang pinalitan.
Ang kahilingan ng VERA Files Fact Check para sa opisyal na datos mula sa Comelec tungkol sa transmission rate ng mga boto sa central server, ang kabuuang mga boto na pinagsama at na-canvass, at ang bilang ng storage media na pisikal na naihatid sa mga canvasser noong 2013 national elections, ay nananatiling nakabinbin. Ganun din ang kabuuang bilang ng mga sirang SD card at VCM na kinailangang palitan o ayusin noong 2019 na halalan.
Sa pessimism ng kabataang botante
Habang ang headline na vlog ay nagtatanghal ng mga kabataang Pilipino na nawawalan ng pananalig sa halalan, ang aktwal na istorya ng Deutsche Welle noong 2019 ay nagtatampok ng damdamin ng dalawang Pilipinong estudyante lamang.
Sinabi ng mga mag-aaral na nawala ang kanilang paniniwala sa sistemang pampulitika sapagkat “ang mga kandidato na sinusuportahan ng administrasyon ay laging nananalo,” at dahil ang mga taong nanalo sa halalan ay “malamang na pro-protektahan ang interes ni Pangulong Rodrigo Duterte.”
Ang Social Weather Stations at Pulse Asia, mga independiyenteng polling firm sa bansa, ay hindi nagsagawa ng mga opisyal na survey sa paksang ito.
Upang suportahan ang opinyon ni Marcos, niligaw din ng video ang mga manonood sa pamamagitan ng pag-flash ng impormal na February 2021 survey ng website na PH Pulse (phpulse.com) na nagtanong sa mga netizen kung bakit hindi pa sila nagparehistro para bumoto sa mga susunod na pambansang halalan sa 2022.
Habang 375 sa 626 respondents (59.9%) ang sumagot ng “walang tiwala sa sistema,” hindi na ito nagpaliwanag pa. Mahirap makita ang breakdown ng mga kasagutan ayon sa edad dahil hindi ibinigay ang demographic ng survey.
Mga Pinagmulan
Bongbong Marcos official YouTube channel, BBM VLOG #148: Bringing Back Transparency to the Election System | Bongbong Marcos, Feb. 20, 2021
Senate of the Philippines, My election protest will be a precedent setting case — Bongbong Marcos, June 29, 2016
Bongbong Marcos official Twitter account, Statement of Atty. Vic Rodriguez, spokesperson of former Senator Ferdinand Marcos Jr., Feb. 16, 2021
Supreme Court of the Philippines, UPDATED PRESS BRIEFER on PET CASE No. 005, Feb. 16, 2021
Supreme Court of the Philippines, Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. Vs. Maria Leonor “Leni Daang Matuwid” G. Robredo (P.E.T. Case No. 005), Accessed April 19, 2021
On Claim 1 (speed of manual counting)
- Parish Pastoral Council for Responsible Voting, PPCRV 2019 Report.pdf, 2019
- Personal communication with COMELEC Spokesperson James Jimenez, March 10, 2021
- Personal communication with NAMFREL National Council Member Angel Averia, March 13, 2021
- James Jimenez, LinkedIn profile, Accessed April 20, 2021
On claim 2 (countries with manual voting)
- Pew Research, From voter registration to mail-in ballots, how do countries around the world run their elections?, Oct. 30, 2020
- ACE Project, Philippines
- Comelec, 2016 elections, Aug. 22, 2015
- Comelec, 2019 National and Local Elections, Sept. 19, 2018
- Comelec, 2022 National and Local Elections, Feb. 9, 2021
On Claim 3 (countries returning to manual voting)
- Ministry of Justice, Finland, Working group: Risks of online voting outweigh its benefits, Dec. 19, 2017
- Ministry of Justice, Finland, Summary of the feasibility study, Dec. 19, 2017
- Encyclopedia Britannica, I-Voting, Oct. 7, 2008
- Medium.com, What is Online Voting?, March 18, 2020
- Encyclopedia Britannica, Electronic Voting, Oct. 7, 2008
- Official Gazette, Republic Act No. 9369
- The Voting News, Finland: Security fears delay roll-out of national e-voting system in Finland | Computer Weekly, March 2, 2018
On Claim 4 (percentage of counted 2013 counted votes)
- Rappler.com, Comelec to stop ‘transparency’ count, May 16, 2013
- Balita, Comelec chief: 2016 polls, pinakaorganisado, May 21, 2016
- Inquirer.net, PPCRV suspends unofficial tally upon Comelec’s orders, May 16, 2013
- Senate of the Philippines, Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System (June 04, 2019), June 4, 2019
- Senate of the Philippines, Sen. Kiko to Comelec: What happened in 7-hour glitch?, June 4, 2019
- ABS-CBN News YouTube channel, Comelec press briefing | 14 May 2019
- VERA Files, Amid glitches, PPCRV to make proper assessment of 2019 polls, May 15, 2019
- Inquirer.net, 961 VCMs, 1,665 SD cards suffer glitches in 2019 polls — Comelec, May 14, 2019
- Rappler.com, Comelec says 961 vote-counting machines defective, May 14, 2019
On Claim 5 (youth’s voter pessimism)
- Deutsche Welle, Philippine youth losing faith in the election, May 21, 2019
- PH Pulse, BAKIT HINDI KA PA NAGPAPAREHISTRO
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)