VERA FILES FACT SHEET: Ang P536-M kontrata sa pagitan ng F2 Logistics at Comelec
“Walang nakikitang dahilan” sa kasalukuyan ang Commission on Elections (Comelec) upang kanselahin ang P536-milyong kontrata nito sa F2 Logistics para sa transportasyon ng mga kagamitan, supply, at paraphernalia sa 2022 elections sa kabila ng mga agam-agam ng mga poll watchdog kaugnay ng posibleng "conflict of interest.”