VERA FILES FACT SHEET: Mga problemang bumabagabag sa industriya ng asin?
Sinabi ni Sen. Cynthia Villar, chair ng komite, na ang Republic Act No. 8172, na kilala bilang Act for Salt Iodization Nationwide (ASIN), ay naging "balakid" sa pag-unlad ng industriya na gumawa ng 300,000 metric tons ng asin noong 1994, isang taon bago naging batas ang ASIN.