Ang kalunos-lunos na nangyari kay Gelo dela Rosa sa kwento ni Cardinal David
Linggo ng gabi, July 27 nang pumanaw ang binatang naging haligi ng pag-asa ng pamilya. Ang dahilan: leptospirosis, isang sakit na dala ng ihi ng daga sa maruming baha na nilusong niya sa paghahanap sa kanyang ama na inaresto diumano dahil sa kara y krus.