VERA FILES FACT CHECK: Bato mali sa pagsasabi na siya ay ‘co-accused’ ni Duterte sa imbestigasyon ng ICC
Bagama't pinangalanan sina Dela Rosa at dating pangulong Rodrigo Duterte sa hiniling na imbestigasyon ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda noong Hunyo 2021, walang tinukoy na mga suspek sa drug probe ang Office of the Prosecutor.