VERA FILES FACT CHECK: Inquirer.net mali ang report na akusado sina Dela Rosa at Duterte sa ICC
Ang imbestigasyon ng ICC ay nasa paunang yugto ng pagsisiyasat at wala pang suspek na sinampahan ng kaso. Bagama't pinangalanan sina Dela Rosa at Duterte sa hiling noong 2021 ni dating ICC prosecutor Fatou Bensouda na maglunsad ng imbestigasyon, wala pang kinikilalang mga kakasuhan ang Office of the Prosecutor sakaling magsampa ng kaso.