VERA FILES FACT CHECK: Jim Paredes, netizens nag share ng PEKENG Bong Go quote tungkol sa ibinasurang prangkisa ng ABS-CBN
Hindi bababa sa isang Facebook (FB) page at tatlong netizens, kasama ang singer at lantad na kritiko ng administrasyon na si Jim Paredes, ang nagbahagi ng isang pekeng quote card na nagpapakita kay Sen. Christopher Lawrence "Bong" Go na nagsasabing hindi dapat "sinaktan” ng higante ng media na ABS-CBN “ang damdamin ni Pangulong Rodrigo Duterte” kung ayaw nitong maipasara.