VERA FILES FACT CHECK: Duterte iba na ang sinasabi tungkol sa pagtatapos ng gulo sa Mindanao sa kanyang termino
Mula sa pangakong kapayapaan sa Mindanao bago matapos ang kanyang anim na taong termino sa 2022, sinabi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na "aabutin ng higit sa isang henerasyon" para magawa ito, kasunod ng dalawang pagsabog na bumulabog sa Jolo noong Agosto 24.