Mula sa pangakong kapayapaan sa Mindanao bago matapos ang kanyang anim na taong termino sa 2022, sinabi ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na “aabutin ng higit sa isang henerasyon” para magawa ito, kasunod ng dalawang pagsabog na bumulabog sa Jolo noong Agosto 24.
Panoorin ang video na ito:
Sinabi ng mga awtoridad na ang dalawang pagsabog sa Jolo, lalawigan ng Sulu — na pumatay sa hindi bababa sa 14 katao at nasugatan ang 75 iba pa — ay malamang na kagagawan ng dalawang suicide bombers; ang isa ay pinaniniwalaang balo ng isang miyembro ng Abu Sayyaf, at ang isa, biyuda ni Norman Lasuca, ang unang lokal na gumawa ng naturang pag-atake, batay sa maraming ulat sa media.
Isinabatas ni Duterte ang Republic Act 11054, na nagtatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, noong Hulyo 2018. (Tingnan ang SONA 2018 Promise Tracker: Peace Agenda; VERA FILES FACT SHEET: Ano ang susunod na mangyayari kapag naaprubahan ang BOL)
Sa parehong talumpati noong Agosto 31, sinabi din ng pangulo na “nais [niya] na sinuman sa [kanyang] mga anak ay maging isang pulitiko,” kahit bilang isang kapitan lamang ng barangay, para may “magawa sila tungkol sa problema ng Moro at ng mga Kristiyano.”
Tatlo sa apat na anak ni Duterte ay mga pulitiko na nasa posisyon. Ang kanyang panganay na si Paolo ay deputy speaker at kinatawan ng unang distrito ng Davao City, samantalang si Sara ang pumalit sa kanyang ama bilang mayor ng Davao City, habang si Sebastian ang vice mayor.
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang, Talk to Troops (Speech) 8/30/2020, Aug. 30, 2020
RTVMalacanang, Mindanao Hariraya Eid’l Fit’r 2016 (Speech) 7/8/2016, July 10, 2020
Presidential Communications Operations Office, Muslim community assured of Duterte admin’s efforts towards peace in Mindanao, July 8, 2020
Western Mindanao Command official Facebook page, Explosions transpire in Sulu, Aug. 24, 2020
ABS-CBN News, Twin blasts rock Sulu town plaza; at least 15 killed, 75 wounded, Aug. 24, 2020
Inquirer.net, Islamic State claims Jolo suicide bombings, Aug. 26, 2020
Manila Bulletin, 15 killed, 77 hurt in two Jolo bomb blasts, Aug. 24, 2020
The Straits Times, Philippine officials confirm first suicide attack by local militant, July 11, 2019
Rappler, AFP, PNP: Filipino suicide bomber behind Sulu attack, July 10, 2020
Inquirer.net, Confirmed: One of two ‘suicide bombers’ in Sulu blasts a Filipino, July 10, 2020
Inquirer.net, Military says Jolo bombers widows of Abu Sayyaf bandits, Aug. 26, 2020
CNN Philippines, 2 suicide bombers sa Jolo natukoy na, Aug. 25, 2020
ABS-CBN News, Military names Sulu attackers: Suicide bomber’s widow, Abu Sayyaf leader’s wife, Aug. 26, 2020
Aljazeera, Army says two women carried out bombings in the Philippines, Aug. 25, 2020
Congress.gov.ph, House members: Hon. Duterte, Paolo Z., Accessed Sept. 4, 2020
Davao City government, Mayors of Davao City: 1937 to present, Accessed Sept. 4, 2020
Davao City government, Directory of Davao City Department Heads, Accessed Sept. 4, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)