VERA FILES FACT CHECK: Paglabag sa karapatang pantao hayagang pinag-usapan sa Asean, salungat sa sinabi ni Duterte
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang hayagang nagtanong sa kanya tungkol sa paglabag ng karapatang pantao sa ASEAN Summit, ilang minuto lang pagkatapos iwasan ang tanong kaugnay ng pampublikong pahayag ng isa pang lider ng bansa tungkol sa paglabag sa karapatang pantao.