VERA FILES FACT CHECK: Pamphlet sa NICA orientation mali ang depinisyon ng red-tagging
Noong unang bahagi ng Marso, nag-host ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa CALABARZON ng isang orientation para sa mga empleyado ng gobyerno upang mapigilan sila sa pagsali sa mga grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno at Alliance of Concerned Teachers. Pagkatapos ng kaganapan, ang mga dumalo ay binigyan ng isang polyeto na nagsasabing, bukod sa iba pang mga bagay, ang red-tagging ay isang terminong likha ng "communist terrorist groups" (CTG). Ito ay hindi totoo.