VERA FILES FACT CHECK: Sa pangatlong pagkakataon, Roque inulit ang maling pahayag tungkol sa COVID lockdown
Sa hindi bababa sa pangatlong pagkakataon, sinabi na naman ni Palace Spokesperson Harry Roque na ang Pilipinas ang unang bansa na nag utos ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), na nagreresulta sa mas kaunting pagkamatay at nagbigay dito ng 85 porsyentong rating dahil sa epektibong tugon.