Sa hindi bababa sa pangatlong pagkakataon, sinabi na naman ni Palace Spokesperson Harry Roque na ang Pilipinas ang unang bansa na nag utos ng lockdown para mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19), na nagreresulta sa mas kaunting pagkamatay at nagbigay dito ng 85 porsyentong rating dahil sa epektibong tugon.
PAHAYAG
Sa isang panayam noong Set. 16 sa CNN Philippines, tinanong si Roque kung ano ang kanyang dahilan sa pagbibigay sa gobyerno ng 85 porsyentong ating sa pagtugon sa pandemic.
Narito ang isang sipi ng pakikipanayam sa news anchor na si Pinky Webb:
WEBB: To some, Secretary Roque, 85 percent might be a bit too high because when you look at even … let’s compare ourselves to the countries in Southeast Asia. We are the No. 1, (with) the highest COVID-19 cases in Southeast Asia and, No. 2, when you look at all the articles online, it never says … you will never find the Philippines being set as a role model in addressing COVID-19. Whereas, you have Korea—well, iba po iyon…
WEBB: Sa ilan, Secretary Roque, 85 porsyento ay maaaring masyadong mataas dahil kapag tiningnan mo at pati… ihambing natin ang ating mga sarili sa mga bansa sa Southeast Asia. Tayo ang No. 1, (na may) pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Southeast Asia at, No. 2, kapag tiningnan mo ang lahat ng mga artikulo sa online, hindi kailanman sinabi … Hindi mo makikita ang Pilipinas na tinitignan bilang isang huwaran sa pagtugon sa COVID-19. Samantalang, mayroon kang Korea — hmmm, iba po iyon …
ROQUE: Well, let me correct you. The New York Times cited the Philippines as having succeeded in lowering the numbers and keeping the numbers low. That’s the New York Times! And we were, in fact, clustered together with countries like Korea already, ‘no, in that classification (Hayaan mo akong iwasto ka. Binanggit ng New York Times ang Pilipinas na nagtagumpay na pagpapababa ng mga bilang at pananatiling mababa ang bilang. Iyon ang New York Times! And tayo, sa katunayan, ay isinama sa mga bansa tulad ng Korea na, ‘no, sa klasipikasyon na iyan)…Isipin na lang po natin…marami nang namatay, pero mas marami pa pong dapat namatay. Iyong ikinatatakot natin na sangkatutak ang mamamatay dahil sa pandemya, hindi po nangyari dahil tayo po iyong kauna-unahang nag-lockdown.
Pinagmulan: CNN Philippines official Youtube channel, The Source: Harry Roque, Set. 16, 2020 panoorin mula 19:34 hanggang 21:10
Nagpatuloy siya sa pagsabi na dahil sa lockdown, napagbuti ng bansa ang medical services na ibinibigay nito sa mga nahawahan ng virus.
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Roque, ang Vietnam ang unang bansa sa Southeast Asia na nagdeklara ng isang lockdown. (BASAHIN: VERA FILES FACT CHECK: Roque inulit ang maling pahayag na nauna ang ‘PH’ sa COVID lockdown sa Southeast Asia).
Matapos nakumpirma ang dalawang pasyente na positibo sa coronavirus noong Enero 23, ang gobyerno ng Vietnam ay mabilis na ipinatupad ang emergency plan nito laban sa virus.
Kasama dito ang paghihigpit sa paglalakbay, pagpapaigting ng contact tracing at mga pagsusuri sa kalusugan, at pagsasara ng mga border nito. Ang Vietnam ay nagdeklara ng national isolation noong Marso 31, na nag-uutos sa mga tao na mag self-quarantine at isara ang mga non-essential na negosyo sa loob ng 15 araw.
Sa Asia, idineklara ng China ang lockdown at nag utos din ng quarantine noong Enero 23.
Noong Enero 31, idineklara ni Pangulong Duterte ang travel ban sa mga bisita mula sa Hubei, China — kung saan matatagpuan ang Wuhan City, ang epicenter ng novel coronavirus — kung saan, sa katunayan, ang lalawigan ay nasa lockdown na ng isang linggo.
Pinalawig ni Duterte ang travel ban simula sa Peb. 2 para masakop ang lahat ng mga bisita mula sa China at special administrative regions nito nang ang dalawang turistang galing ng China ay na kumpirmang positibo sa virus, at isa sa mga ito ang naging unang pagkamatay na naitala sa labas ng China.
Hanggang Set. 21, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 290,190 mga kaso ng COVID-19, na may 3,475 pang dagdag na naiulat na positibo sa coronavirus nang araw na iyon. Ang bilang ng mga namatay sa parehong petsa ay nasa 4,999, kabilang ang 15 na namatay noong nakaraang araw, batay sa Department of Health COVID-19 tracker.
Noong Set. 16, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media forum na “hindi kami sigurado sa puntong ito [para sabihin na may pagbaba sa mga kaso]” dahil nakita ng DOH ang ilang mga lugar na may dumaraming bilang ng mga kaso.
“Sa pangkalahatan, mayroong 53 lalawigan, highly urbanized city, independent component cities na may kasalukuyang pagtaas ng bilang ng mga kaso at matamang naming sinusubaybayan at nakipag-ugnayan na kami sa iba’t ibang mga LGU,” aniya sa Ingles.
Sinabi ni Roque sa kanyang press briefing noong Set. 15 na ang Pilipinas ay dapat bigyan ng markang 85 porsyento para sa pagtugon sa COVID-19, na binanggit na hindi nangyari sa bansa ang “tatlong milyong” inaasahang impeksyon noong Hunyo, pinanatili ang mababang rate ng dami ng namamatay at ang health system ay “hindi natatabunan.”
Sa mga kadahilanang ito, sinabi niya, ang Pilipinas ay “nararapat [lang na magkaroon ng] napakahusay na marka” na 85 porsyento.
Mga Pinagmulan
CNN Philippines Official Youtube Channel, The Source: Harry Roque, Sept. 16, 2020
CNN, Two cases confirmed in Vietnam, Jan. 23, 2020
The Straits Times, Wuhan virus: Vietnam says two Chinese citizens in Vietnam confirmed to have coronavirus, Jan. 23, 2020
Reuters, Vietnam says two Chinese citizens in Vietnam confirmed to have coronavirus, Jan. 23, 2020
Online Newspaper of the Government of the Socialist Republic of Vietnam, Gov’t demands measures to prevent outbreak of infectious Coronavirus, Jan. 23, 2020
The Voice of Vietnam – VOV WORLD, Deputy Prime Minister orders effective measures to contain new coronavirus, Jan. 24, 2020
Hanoi Times, Vietnam confirms first China coronavirus cases; authorities take action, Jan. 24, 2020
Tuoi Tre News, Vietnam bans travel firms from taking in tourists from new coronavirus-hit areas, Jan. 29, 2020
Vietnam National Administration of Tourism, Vietnam Precautions and Travel Advice Regarding Novel Coronavirus, Jan. 30, 2020
Vietnam Insider, Vietnam suspends all types of Visas for visitors from coronavirus-hit areas, Jan. 31, 2020
British Broadcasting Corporation, Coronavirus: How ‘overreaction’ made Vietnam a virus success, May 15, 2020
Voice of America News, Vietnam Orders National Isolation After Initial Containment of Coronavirus, March 31, 2020
Vietnam Times, Clarification of Governmental Directive 15 and Directive 16 on Covid-19 preventation, April 23, 2020
Bloomberg, Vietnam Orders 15-day Nationwide Isolation From April 1, March 31, 2020
Xinhua Net, In unprecedented move, China locks down megacity to curb virus spread, Jan. 23, 2020
British Broadcasting Corporation, China coronavirus: Lockdown measures rise across Hubei province, Jan. 23, 2020
CTGN, Wuhan in lockdown mode to contain new coronavirus, Jan. 23, 2020
CNN Philippines, Duterte orders travel ban from China province amid coronavirus scare, Jan. 31, 2020
Interaksyon, Duterte is banning travelers from Hubei but province already on lockdown, Jan. 31, 2020
Business Mirror, Duterte orders travel ban on Chinese nationals from Hubei province, nCoV’s epicenter, Jan. 31, 2020
CNN Philippines, Duterte widens travel ban on mainland China, Hong Kong, Macau, Feb. 2, 2020
South China Morning Post, Coronavirus: Philippines reports first death outside China as Duterte orders travel ban on visitors from mainland, Hong Kong, Feb. 2, 2020
Inquirer.net, Duterte orders travel ban, as PH records 1st virus death, Feb. 3, 2020
Department of Health, DOH Reveals More Negative 2019-nCoV Cases; Confirms First nCoV ARD Death in PH, Feb. 2, 2020
Department of Health Official Facebook Account, WATCH: DOH Beat COVID-19 Media Forum – September 16, 2020, Sept. 16, 2020 watch from 28:08 to 28:22
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)