Sumunod sa mga maling mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na ang Pilipinas ang “kauna-unahang” bansa na nagdeklara ng lockdown sa rehiyon para kontrolin ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
PAHAYAG
Sa press briefing noong Mayo 18, tinanong si Roque kung ano ang ginagawa ng administrasyon sa obserbasyon ng isang infectious disease at clinical pharmacology expert na ang bansa ay may “pinakamataas na rate ng pagkamatay kahit may pinakamababang rate ng pag-recover sa COVID-19 sa Southeast Asia pagkatapos ng 60 araw na lockdown.”
Sinabi ng tagapagsalita:
“Although (Bagaman) mababa siguro iyong recovery rate (rate ng pag-recover) natin in relation to other countries (kumpara sa ibang mga bansa) at mataas iyong death rates (rate ng kamatayan) natin, eh still, kung hindi po tayo nag-lockout, kung hindi tayo ang pinaka-unang-unang bansa dito sa ating rehiyon na nag-lockout, eh siguro mas marami pang nagkasakit at mas marami pang namatay.”
Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Mayo 18, 2020, panoorin mula 26:35 hanggang 26:51
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ni Roque, Vietnam ang unang bansa sa Southeast Asia na nagdeklara ng lockdown. Sa Asia, hindi bababa sa tatlong iba pang mga bansa bukod sa Vietnam — China, Saudi Arabia, at Mongolia — ang nag lockdown at nagpatupad ng quarantine bago ang Pilipinas.
Noon pang Enero 23, isang araw pagkatapos na ipasok sa ospital sa Ho Chi Minh City ang dalawang pasyente ng COVID-19, inutos ng Vietnam ang suspensyon ng mga flight papunta at mula sa Wuhan, China, kung saan nagsimula ang pagkalat ng COVID-19.
Ang pagsuspinde ng Vietnam ng mga flight ay kalaunan pinalawak sa buong China noong unang linggo ng Pebrero, at ang papasok na mga international flight noong Marso.
Noong Abril 23, niluwagan ng Vietnam ang mga paghihigpit sa quarantine nang walang na-ulat na pagkamatay bunga ng coronavirus at walang bagong kumpiramadong mga kaso sa loob ng tatlong linggo.
Ang Pilipinas, sa kabilang banda, ay nagpatupad ng paghihigpit sa paglalakbay sa Hubei province (kung saan matatagpuan ang Wuhan) noong Enero 31, higit isang linggo pagkatapos ng Vietnam, kasunod ng deklarasyon ng World Health Organization (WHO) ng outbreak bilang isang public health emergency of international concern. (Tingnan ang Timeline: PH gov’t initial response to COVID-19)
Nangyari ito ilang araw matapos tanggihan ni Health Secretary Francisco Duque III ang mga naunang panawagan mula sa mga mambabatas na ipagbawal ang pagpasok ng mga dayuhan sa Pilipinas.
Noong Pebrero 2, pinalawak ni Duterte ang travel ban upang isama ang mga nanggagaling nang direkta mula sa China at ang special administrative regions nito, pati na rin ang mga taong may rekord ng paglalakbay sa mga lugar na ito sa nakalipas na 14 araw. Nang panahong iyon, ang bansa ay mayroon nang dalawang nakumpirmang kaso ng COVID-19, na ang isa ay naging unang pagkamatay sa labas ng China.
Nakalista sa ulat ni doctor Benjamin Co na nabanggit sa press briefing ni Roque ang Pilipinas na may case fatality rate na 6.64 porsyento kumpara sa karaniwang 2.34 porsyentong sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Region.
Isang buwan na ang nakaraan nang kapwa Department of Health at WHO ang nagsabi na ang mataas na fatality rate sa kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay bunga ng testing strategy ng huli na unahin ang mga taong mas may posibilidad na mamatay kaysa sa mga pasyente na banayad ang mga sintomas. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Limang bagay na dapat mong malaman tungkol sa COVID-19 mass testing)
Nauna nang ginawa rin ni Duterte ang maling pahayag ni Roque ng hindi bababa sa dalawang beses, sinabing ang Pilipinas “ang una sa Asia” na nagdeklara ng lockdown, habang itinatanggi ng mga opisyal ang mga paratang na pumalpak ang gobyerno sa pagpapatupad ng mahigpit na mga hakbang para makontrol ang outbreak sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte inulit ang maling pahayag na una ang PH na mag COVID lockdown sa Asia)
Sa isang April 20 briefing, sinabi ni Roque na ang Pilipinas ang unang nagdeklara ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Asia. Isang linggo bago nito, sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa isang presser na kung hindi idineklara ng pangulo ang isang ECQ nang ginawa niya ito, “mas masama ang magiging lagay ng Pilipinas.”
Mga Pinagmulan
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, May 18, 2020
PTV Youtube, WATCH: PALACE VIRTUAL PRESSER With Presidential Spokesperson Harry Roque, May 18, 2020
Vietnam lockdown
- CNN, February 13 coronavirus news, Feb. 13, 2020
- Bangkok Post, Vietnam quarantines area with 10,000 residents over coronavirus, Feb. 13, 2020
- VN Express, Vietnam ends lockdown for coronavirus commune, March 4, 2020
China lockdown
- New York Times, China Ends Wuhan Lockdown, but Normal Life Is a Distant Dream, April 17, 2020
- Business Insider, How Wuhan residents are reacting to the end of their 76-day lockdown, April 15, 2020
- CNN, China lifts lockdown on Wuhan as city reemerges from coronavirus crisis, April 8, 2020
Saudi Arabia lockdown
- Saudi Press Agency, Ministry of Interior: Suspending entry into and exit from Qatif Governorate temporarily The official Saudi Press Agency, March 8, 2020
- The Guardian, Saudi Arabia seals off Shia Qatif region over coronavirus fears, March 9, 2020
- Al Arabiya, Saudi Arabia temporarily suspends travel to 9 coronavirus-hit countries, March 9, 2020
Mongolia lockdown
- Retuers, Mongolia confirms its first coronavirus case in French worker, March 9, 2020
- Garda, Mongolia: Government places Ulaanbaatar and other cities on lockdown due to COVID-19 March 10 update 7, March 10, 2020
- Strait Times, Mongolia locks down cities after reporting first coronavirus case, March 10, 2020
Bangkok Post, Vietnam to ease nationwide coronavirus lockdown, April 22, 2020
The Japan Times, After mass testing, Vietnam says coronavirus outbreak contained, May 1, 2020
Vietnam Express International, All Vietnam-Wuhan flights cancelled after pneumonia virus outbreak, Jan. 24, 2020
Xinhua News Agency, Vietnam confirms first 2 novel coronavirus cases, Jan. 23, 2020
Vietnam Express International, PM orders suspension of all international flights in Covid-19 fight, March 21, 2020
Reuters, Vietnam to suspend all inbound flights to contain coronavirus – govt statement, March 21, 2020
Bangkok Post, Vietnam to bar all inbound flights, March 21, 2020
The Independent, Coronavirus: Vietnam starts to lift lockdown measures after no deaths reported, April 23, 2020
The Telegraph, Vietnam lifts lockdown: How a country of 95m bordering China recorded zero coronavirus deaths, April 23, 2020
Los Angeles Times, Without a single COVID-19 death, Vietnam starts easing its coronavirus lockdown, April 23, 2020
The Socialist Republic of Vietnam:Online Newspaper of the Government, No new COVID-19 case reported over last 4.5 days, more patients recover, April 4, 2020
CNN Philippines, Duterte orders travel ban from China province amid coronavirus scare, Jan. 31, 2020
Business Mirror, Duterte orders travel ban on Chinese nationals from Hubei province, nCoV’s epicenter, Jan. 31, 2020
Inquirer.net, Duterte orders travel ban from Hubei, Jan. 31, 2020
Rappler Youtube, Even with coronavirus scare, no mainland Chinese travel ban for now – Duque, Jan. 29, 2020
Laging Handa PH, February COVID-19 timeline
Department of Health, DOH reveals more negative 2019-nCoV cases; confirms first nCoV are death in PH, Feb. 2, 2020
ANCX, The Philippines now has the highest COVID-19 fatality rate and lowest recovery rate in ASEAN, May 16, 2020
Department of Health Facebook, DOH Presscon, April 6, 2020
World Health Organization Youtube, Virtual press conference on COVID-19 in the Region, March 31, 2020
RTVMalacanang Youtube, PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the Nation on COVID-19, April 8, 2020
RTVMalacanang Youtube, Talk to the People on COVID-19, April 16, 2020
GMA News Youtube, LIVESTREAM: Palace briefing with presidential spokesman Harry Roque, April 20, 2020
Presidential Communications Facebook, IATF Briefing, April 13, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)