Sa higit siyam na buwan ng community quarantine sa bansa, binalaan, binigyan ng mga tiket, at inaresto ng mga tagapagpatupad ng batas ang may 598,000 katao, na tinawag nilang “pasaway,” dahil sa umano’y paglabag sa quarantine at health protocols na ipinag-utos upang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Karamihan sa mga paglabag ay may kinalaman sa hindi pagsunod sa minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng mga face mask at face shield sa labas ng mga lugar ng tinitirahan, at paglabag sa pagbabawal sa “hindi kinakailangang” mga pagtitipon ng mga tao.
Gayunpaman, habang tumataas ang bilang ng tinaguriang violators, gayon din ang mga ulat tungkol sa mapang-abuso at panghihiyang mga paraan sa mga taong hinuli at pinarusahan.
Naging headline noong Abril si retired Army corporal Winston Ragos, na mayroong post traumatic stress disorder o “war shock” bunga ng pakikipaglaban sa Marawi, nang siya ay mapatay matapos pagbabarilin ng isang pulis dahil sa pagwawalang bahala sa isang checkpoint sa Quezon City.
Tinawag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na “haka-haka” ang mga kritisismo na ang insidente ay bunga ng mga naunang tagubilin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga tagapagpatupad ng batas na “barilin [ang mga lumalabag] nang mamatay” kung tutol sila sa pag-aresto.
Ang idineklarang matigas na paninindigan ng gobyerno laban sa mga lumalabag, gayunpaman, ay hindi nalalapat sa lahat ng mga “pasaway.”
Mula sa “mañanita” ni Philippine National Police (PNP) Chief Debold Sinas noong Mayo hanggang sa “biyahe para sa turismo” ni Roque noong Nobyembre, binalikan ng VERA Files Fact Check ang mga naiulat na paglabag ng mga opisyal ng gobyerno at mga kilalang personalidad at kung paano hinawakan ang mga kasong iyon. Habang ang ilan ay nahaharap sa mga imbestigasyon, ang iba ay tila nakalusot na lang ng walang parusa.
Narito ang isang maikling buod ng mga insidente:
Ang paglabag ni Pimentel sa mga quarantine protocol para sa mga pasyente ng COVID-19
Isa si Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa unang mga mataas ang katungkulan na opisyal ng gobyerno na umani ng batikos dahil sa paglabag sa mga quarantine protocol.
Sa mga unang buwan ng lockdown, hindi lahat ng hinihinalang mga pasyente ng COVID-19 ay na test dahil sa limitadong supply ng mga test kit. Ang ilan ay namatay bago pa mailabas ang mga resulta ng kanilang test.
Ang malaking pagtitipon ni Mocha Uson kasama ang mga naka quarantine na Overseas Filipino Workers
Binatikos noong Abril si Margaux “Mocha” Uson, deputy administrator ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), dahil sa paglabag sa ban sa mga pagtitipon sa Batangas na, noong panahong iyon, ay nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’)
‘Mañanita’ birthday blowout ni Sinas
Noong unang bahagi ng Mayo, nagalit ang publiko kay Sinas, na noon ay direktor ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nang kumalat sa social media ang mga litrato ng kanyang “mañanita” — isang tradisyonal na madaling araw na harana sa araw ng kaarawan — sa panahong ang rehiyon ay ang “epicenter” ng COVID-19 outbreak sa bansa.
Ang paglabag ni San Juan Mayor Francisco Zamora sa mga protocol ng Baguio City
Nalagay sa alanganin ni San Juan City Mayor Francisco Zamora noong Hunyo matapos na “bale-walain” ng kanyang anim na sasakyang “convoy” ang mga border control point quarantine checkpoint sa Baguio City.
Ang mga pagtitipon ni Senador Manny Pacquiao sa Batangas
Matapos ang sunud-sunod na bagyo na tumama sa halos lahat ng bahagi ng Luzon noong Nobyembre, nakita sina Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao na namamahagi ng relief goods at pamasko sa mga pagtitipon sa Batangas.
Ang paglangoy ni Harry Roque kasama ang dolphins sa Subic, ‘tourism trip’ sa Cebu
Inulan ng pintas si Roque dahil sa paglabag sa mga quarantine protocol nang hindi bababa sa dalawang beses: sa kanyang side trip sa Ocean Adventure park sa Subic noong Hulyo, at kanyang tourism promotion trip sa Cebu noong Nobyembre.
Pinulaan din si Roque sa social media nang ang isang video niya na kumakanta nang walang face mask sa isang restawran sa Baguio City ay lumabas online noong Nob. 13 — nang ang lungsod ay nasa modified general enhanced community quarantine. Ito ay makaraan ang isang linggo na sinabihan ng DOH ang publiko na iwasan ang mga videoke session sa publiko para hadlangan ang pagkalat ng COVID-19.
‘Ang batas ay ang batas’
Sa unang buwan pa lamang ng pagpapatupad ng ECQ noong Abril, iniutos ni Duterte sa pulisya at militar na “barilin … patayin” ang hindi mapigilan na mga lumalabag sa quarantine.
Matapos ang halos tatlong linggo noong Abril 21, sinabi ng PNP na “wala nang magiging babala” para sa mga lumalabag sa ECQ. Sa halip, “aarestuhin at ipatutupad ang pag-iimbestiga” sa mga lalabag sa mga nauugnay na batas.
Kamakailan lamang noong Oktubre, si Interior ang Local Government Undersecretary Martin Diño ay sinipi sa maraming mga ulat na balita na nananawagan sa pulisya na “dakipin” ang mga pulubi, tanggalin sila sa mga kalye, at dalhin sa Department of Social Welfare and Development. Sinabi niya na “maaaring sila ang nagkakalat ng pandemic (sic)” dahil sila ay “exposed.” Sinabi ni Diño: “Batas ay batas.”
Tinukoy ng ilang mga civil society at human rights group ang “double standard” na ipinaiiral ng gobyerno sa pagpapatupad ng mga paghihigpit sa COVID-19.
Ang National Union of Peoples’ Lawyers, sa isang pahayag matapos na maging viral ang mañanita ni Sinas, ay nagsabi: “Ang PNP ay walang tigil sa panghuhuli ng mga ordinaryong tao dahil sa umano’y mga paglabag sa batas at mga patakaran ng quarantine, na ang mga opisyal at tauhan nito mismo ang lumalabag.”
Sa promosyon ng heneral bilang pinuno ng pulisya, sinabi ng local human rights group na Karapatan na ito ay “hindi lamang isang nakasisilaw na double standard ng hustisya at pagpapatupad ng batas sa bansa kundi kung paano walang kahihiyang kinukupkop at ginantimpalaan ng pasistang rehimeng ito ang mga lumalabag sa karapatang pantao.”
Ang Human Rights Watch Philippines, sa isang pahayag noong Abril, ay nag-react sa “pagdami ng mga insidente” ng mga tagapagpatupad ng batas at mga opisyal ng gobyerno na “minamaltrato” ang mga Pilipino sa panahon ng lockdown:
“The lockdown and quarantine, and even the emergency powers bestowed on President Duterte, do not excuse the actions of officials to wantonly violate international human rights norms and the Philippine Constitution, which specifically protects citizens from unreasonable searches and arrests.
(Ang lockdown at quarantine, at maging ang emergency powers na iginawad kay Pangulong Duterte, ay hindi dahilan para ang mga opisyal ay walang pusong lumabag sa ang mga pamantayan sa karapatang pantao at Konstitusyon ng Pilipinas, na partikular na pinoprotektahan ang mga mamamayan mula sa hindi makatuwirang pagsisiyasat at pag-aresto.)”
Bukod sa kaso ni Ragos, natutukan ng VERA Files Fact Check ang iba pang naiulat na insidente ng mga paglabag sa mga health at safety protocol ng mga ordinaryong mamamayan, na ang mga parusa ay nakapag-alala sa mga netizen at mga human rights watchdog.
Paghuli sa Caloocan fish vendor dahil sa hindi pagdala ng quarantine pass
Noong Mayo, ang tindero ng isda na si Joseph “Dodong” Jimeda ay nawala ng isang linggo. Siya pala ay na-detain sa Navotas Sports Complex, kasama ang 500 iba pa dahil sa iba’t ibang mga paglabag sa ECQ, ayon sa isang viral Facebook post na na-upload noong Mayo 15 ng photojournalist na si Vincent Go.
Si Jimeda ay inaresto dahil sa hindi pagdala ng quarantine pass nang pumunta siya sa Navotas fish port, kung saan siya bumibili at nagbebenta ng mga isda, mula sa kanyang tirahan sa kalapit na Caloocan City. Hindi alam ng kanyang pamilya kung nasaan siya dahil wala siyang cellphone, sinabi ni Go sa kanyang post.
Nakauwi si Jimeda makalipas ang 12 araw matapos magbayad ng P3,500 bond at pagsumite ng isang guilty plea dahil sa pagkakasalang simple disobedience.
Nakasisirang-puri na pagtrato sa mga lumalabag sa quarantine
Bilang parusa sa paglabag sa 8 pm curfew noong Abril, pinilit ni Barangay Chairman Christopher “Bombing” Punzalan ng Pandacaqui sa Mexico, Pampanga, ang tatlong katao, na bahagi ng komunidad ng LGBTQ (tomboy, gay, bisexual, transgender, at queer), na mag “sexy dance” sa harap ng isang 15-taong-gulang na lalaki, isa ring lumabag sa curfew, habang ang dalawa ay inutusan na maghalikan.
Nang maglaon, humingi ng paumanhin si Punzalan sa insidente, na na-broadcast sa isang Facebook (FB) post noong Abril 5, na tinanggal na ngayon, nang ang buong Luzon ay nasa ilalim pa rin ng ECQ.
Sa isang pahayag noong Abril 8, tinuligsa ni Commission on Human Rights Spokesperson Jacqueline De Guia ang ginawa ni Punzalan, na sinabing nilabag niya ang ilang mga batas at karapatan ng mga bata at mga karapatan ng LGBTQ, kasama ang Juvenile Justice and Welfare Act. Sinabi ni De Guia na iniimbestigahan na ng regional office ng CHR ang insidente.
Samantala, dalawang menor de edad sa Naic, Cavite ang iniulat na pinahiga sa kabaong ng may isang oras ng kanilang barangay captain noong huling bahagi ng Marso dahil sa umano’y paglabag sa mga batas ng curfew. Sa Paranaque noong Abril, ang mga lumalabag sa quarantine ay inutusan na magsagawa ng pekeng burol at magparada ng kabaong sa paligid ng kanilang nayon para hindi tularan ang ibang mga residente sa paglabag sa mga health protocol.
Sa isa pang insidente sa Sta. Cruz, Laguna noong Marso, isang barangay captain ang nagkulong sa limang tao sa loob ng kulungan ng aso dahil sa pagsuway sa mga oras ng curfew at di pagrespeto sa mga opisyal ng nayon. Humingi ng paumanhin si local chieftain Eric Ambrocio dahil sa insidente sa isang Facebook post, ngunit idinagdag na hinuhuli ng mga opisyal ng barangay ang mga asong kalye nang masalubong nila ang mga “lasing” na mga lumalabag ng curfew na tumangging sundin ang kanilang mga utos na umuwi. Mga kasong kriminal, kabilang ang paglabag sa Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act at grave threat ang coercion ay isinampa laban kay Ambrocio, na iniulat ng Philstar.com.
Mga Pinagmulan
Philippine National Police, Press Conference with CPNP PGen Debold M Sinas, Dec. 8, 2020
Department of Health, DOH Administrative Order No. 2020-0015, April 27, 2020
Killing of Winston Ragos
- Rappler.com, Who is Winston Ragos, the former military man killed by police?, April 23, 2020
- CNN Philippines, NBI files murder charges vs. cop who shot Army veteran at checkpoint, June 4, 2020
- Inquirer.net, Witnesses: Ex-soldier shot dead by QC cop unarmed, May 21, 2020
Ragos suffering from “war shock”
- Esquire, His Name Was Winston Ragos, And He Was An Army Veteran, April 23, 2020
- Inquirer.net, Army chief seeks probe of killing by cops of ex-soldier with war shock, April 23, 2020
- Rappler.com, Army orders probe into police killing of ex-soldier Winston Ragos, April 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, April 23, 2020
Presidential Communications Operations Office, Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic, April 1, 2020
Government’s hard stance against quarantine violators
- Philippine News Agency, PNP vows tougher stance against ECQ violators, April 21, 2020
- Manila Standard, Government threatens mass arrests, April 18, 2020
- Inquirer.net, PNP threatens ‘massive arrest’ if quarantine violations persist, April 21, 2020
Department of Interior and Local Government, DILG receives PNP findings on probe of Roque, Pacquiao ‘quarantine breach’, Dec. 21, 2020
Sources for Pimentel’s breach of quarantine
Sources for Uson’s mass gathering in Batangas
Sources for ‘mañanita’ birthday blowout of Sinas
Sources for Zamora’s breach of Baguio City protocols
Sources for Pacquiao’s mass gatherings in Batangas
Sources for Roque’s swim with dolphins in Subic, ‘tourism trip’ in Cebu
Sources for timeline
- Public Information Office – City of Baguio Facebook page, ADVISORY: On the Temporary Transportation Plan in Baguio City for the period of 1 June 2020 to 15 June 2020, May 31, 2020
- Presidential Communications Operations Office, IATF Resolution No. 50-A, June 29, 2020
- Office of the Presidential Spokesperson, From Presidential Spokesperson Harry Roque, Oct. 30, 2020
Presidential Communications Operations Office, Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte on Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) Pandemic, April 1, 2020
Philippine National Police, NOW: Virtual Presser with PNP Chief, Police General Archie Francisco Gamboa, April 21, 2020
Dino wants beggars off the streets
- ABS-CBN News, ‘Hindi porke mahirap’: DILG pinahuhuli ang mga namamalimos sa kalye, Nov. 11, 2020
- Manila Standard, DILG wants beggars out of city streets, Oct. 11, 2020
- Manila Bulletin, Arresting beggars amid pandemic not an option — Mayor Isko, Oct. 13, 2020
- Interkasyon.com, Law is law? DILG urged to go after high-profile ECQ violators amid proposal to arrest beggars, Oct. 12, 2020
National Union of People’s Lawyers, Press Statement, May 13, 2020
Karapatan, Karapatan: Promoting Sinas underscores double standards of justice, rewarding of rights violators in PH, Sept. 18, 2020
Human Rights Watch, Official Statement, April 27, 2020
Other abused violators
- Rappler.com, LOOK: In Parañaque, curfew violators sit under the sun as punishment,
- Parañaque curfew violators tortured? | Philstar.com, Nov. 25, 2020
- Human Rights Watch, Philippines: Curfew Violators Abused, March 26, 2020
- Inquirer.net, Parañaque village chief accused of ‘torturing’ curfew violators, March 26, 2020
Jimeda apprehended in May
- Vincent Go personal Facebook account, (story of the search for Jimeda), May 15, 2020
- Bulatlat.com, Mang Dodong and other faces of injustice during lockdown, June 23, 2020
- OneNewsPh, A Tale Of Two ECQ Violators: Mang Dodong Out Of Detention; Duterte Defends Debold Sinas, May 21, 2020
- GMA News Online, Fish vendor reunited with family after being jailed for ECQ violation, May 21, 2020
LGBT violators forced to do lewd dance
- Rappler.com, Barangay captain makes LGBTQ+ quarantine violators do lewd acts as punishment, April 7, 2020
- Vice, Philippines Police Captain Forces LGBTQ+ People to Kiss and Perform a ‘Sexy Dance’ for Violating Coronavirus Curfew, April 28, 2020
- Interkasyon.com, Urgent probe sought into barangay captain’s ‘sexy dance’ punishment for curfew violators, April 8, 2020
- Commission on Human Rights, Pahayag ng CHR spokesperson sa mga paglabag ng curfew at quarantine sa Pandacaqui, Mexico, Pampanga, April 1, 2020
Cavite violators punished to hold a fake wake
- Richard Llorico, Makatarungan po ba…, March 26, 2020
- Manila Standard, violating, April 29, 2020
- Business Mirror, Children in in pain pandemic, May 19, 2020
Parañaque violators
- GMA News, 24 Oras: Mga lumalabag sa ECQ sa isang brgy sa Parañaque, pinaglamay at pinagbitbit ng kabaong, April 16, 2020
- Philstar.com, “Curfew and quarantine violators in Barangay San Isidro, Parañaque City were made to hold a fake wake and carry an empty coffin as a form of punishment late Sunday evening, April 20, 2020
- Inquirer.net, ECQ violators made to carry coffin around village in Parañaque City, April 19, 2020
Laguna violators put in dog cage
- Human Rights Watch, Curfew violators abused, March 26, 2020
- Rappler.com, Barangay captain cages curfew violators in Laguna, March 21, 2020
- Barangay Gatid Captain Eric Ambrocio, #PUBLICSERVANT, March 19, 2020
Philstar.com, Barangay captain faces raps for locking curfew violators in dog cage, March 21, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)