VERA FILES FACT CHECK: Roque kinontra si Panelo sa pag sampa ng kasong murder laban sa lumalabag sa COVID-19 quarantine
Iminungkahi ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na kasuhan ng murder ang mga indibidwal na nakakaranas ng mga sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ngunit ayaw mag quarantine. Umayon si Pangulong Rodrigo Duterte, ngunit hindi sumang-ayon si Palace Spokesperson Harry Roque, na sinabing ang mga detalye ay hindi tugma sa mga elemento ng murder.