Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’

Ipinasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Luzon sa isang "enhanced community quarantine" noong Lunes bunga ng patuloy na transmission ng novel coronavirus (COVID-19) sa ikalawang araw ng isang mistulang lockdown ng Metro Manila.

By VERA Files

Mar 18, 2020

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinasailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang buong isla ng Luzon sa isang “enhanced community quarantine” noong Lunes bunga ng patuloy na transmission ng novel coronavirus (COVID-19) sa ikalawang araw ng isang mistulang lockdown ng Metro Manila.

Sa isang nationwide broadcast, hindi lamang pinalawak ni Duterte ang saklaw ng community quarantine. Pansamantala din niyang sinuspinde ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong opisina, at nagtalaga ng marami pang mga sundalo at pulis upang mahigpit na ipatupad ang home-quarantine at social distancing.

Noong Marso 12, ipinataas ng pangulo ang antas ng alert level ng COVID-19, ang sakit na dulot ng novel coronavirus, sa pinakamataas — Code Red sub-level 2 — at inilagay ang Metro Manila sa community quarantine. Kasunod nito ang matalim na pagtaas ng bilang ng transmission at pagkamatay na naiugnay sa nakakahawang sakit sa national capital region ng bansa. Ang Code Red sub-level 2, batay sa mga patnubay ng Department of Health (DOH), ay nangangahulugang mayroong sustained community transmission sa komunidad, o human-to-human transmission na higit sa kakayahan ng pamahalaan na tugunan. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Code Red Alert sa COVID-19).

Pangunahin sa mga patnubay ang pagsuspinde ng mga klase sa lahat ng antas sa loob ng isang buwan, pansamantalang pagsuspinde ng trabaho sa mga di-mahahalagang sektor, social distancing lalo na sa mga pampublikong lugar, at pagsuspinde sa mga pa mga serbisyong pampubliko at mass transport.

Noong Marso 17, iniulat ng DOH ang 14 na pagkamatay at 187 kumpirmadong kaso ng COVID-19, kasunod ng pagpapatunay ng dalawang karagdagang pagkamatay at 45 positibong kaso noong nakaraang araw. Kabilang sa mga nag positibo sa test ay ang sikat na artista sa pelikula at telebisyon na si Christopher De Leon at isang direktor ng Department of Health central office. Isang araw bago nito, ibinalita ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ipinaalam sa kanya ni Health Secretary Francisco Duque III na siya ay nag positibo sa COVID-19. Sa ngayon, si Zubiri ang pinakamataas na opisyal ng gobyerno na nahawahan ng novel coronavirus.

Narito ang tracker ng DOH sa mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Pinayuhan ng pangulo ang mga local government unit sa labas ng Luzon na “sundin din ang mga patnubay na nagpapataw ng local community quarantine sa kani-kanilang nasasakupan.”

Maraming mga lungsod, munisipalidad, at probinsya sa Visayas at Mindanao ang nagsagawa ng inisyatiba upang ilagay ang kani-kanilang hurisdiksyon sa ilalim ng community quarantine upang mapanatili ang mga tao sa kanilang mga tahanan at mabawasan ang labas sa mga lansangan at pampublikong lugar.

Noong una, Metro Manila lamang ang nasa ilalim ng community quarantine, isinasaalang-alang na ang karamihan sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nasa NCR, ayon sa tracker ng DOH COVID-19. Ipinapaliwanag ang patakaran, sinabi ni Duterte na ito ay isang mistulang lockdown. Sa kanyang public address noong Marso 12, sinabi ng pangulo:

“Ayaw namin gamitin ‘yan pero — kasi takot kayo sabihin ‘lockdown’…but it’s a lockdown (ngunit ito ay isang lockdown).”

Pinagmulan: RTVMalacanang Youtube, Public Address of Pangulong Rodrigo Roa Duterte on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), Marso 12, 2020, panoorin mula 25:20 hanggang 25:30

Saklaw ngayon ng community quarantine ang buong Luzon, ang pinakamalaking isla ng Pilipinas na may populasyon na 53 milyon noong 2015, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Bago nito, iniulat ng DOH ang unang lokal na transmission ng COVID-19, na nag-udyok sa pangulo na mag-isyu ng Proclamation No. 922, na nagdedeklara ng state of public emergency sa buong bansa.

Ang desisyon ng pangulo noong Marso 12 na itaas ang antas ng COVID-19 alert sa pinakamataas ay ginawa sa rekomendasyon ng Inter-agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) sa ilalim ng Resolution No. 11, na nagtatakda ng mga alituntunin, kasama ang “mahigpit na mga hakbang ng social distancing “sa Metro Manila sa loob ng 30 araw upang makontrol ang sakit na nakahahawa.

Isang araw matapos ang pampublikong adress ng Pangulo, naglabas ng memorandum si Executive Secretary Salvador Medialdea sa mga alituntunin at pamamahala ng sitwasyon ng COVID-19, batay sa Resolution Nos. 11 at 12 ng IATF.

Noong Marso 16, bagong mga alituntunin ang inisyu, hindi lamang pinalalawak ang saklaw ng community quarantine kundi pati na rin “pagdaragdag” ng mga hakbang sa quarantine na may mas mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin ng social distancing upang mapilitan ang mga tao na manatili sa kanilang mga tahanan.

Ang mga patnubay ay napapailalim sa pang-araw-araw na pagsusuri ng IATF.

Dahil sa kalituhan ng publiko sa mga patakarang ito na may kaugnayan sa COVID-19, narito ang apat na bagay na dapat mong malaman:

1. Ano ang community quarantine?

Sa memorandum ng Marso 13 ni Medialdea na pinamagatang “Stringent Social Distancing Measures and Further Guidelines for the Management of the Coronavirus Disease (COVID-19) Situation,” dalawang uri ang community quarantine:

2. Ano ang social distancing?

Ang social distancing ay tumutukoy sa ilang mga habkabng ng mga health official ng publiko upang itigil o mapabagal ang pagkalat ng isang nakakahawang sakit, ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) Social Distancing Memorandum.

Kasama dito ang pag-iwas sa malalaking pagtitipon at pagpapanatiling ng distansya na hindi bababa sa isang metro mula sa ibang tao, ayon sa memorandum ng Executive Secretary noong Marso 13.

3. Ano ang mga paghihigpit sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine?

Isang mahigpit home quarantine ang ipatutupad. Narito ang mga hakbang at alituntunin na inilabas ni Medialdea noong Marso 16 tungkol sa pagsuspinde ng mga klase, kasunduan sa trabaho, paghihigpit sa paglalakbay gamit transport services sa lupa, dagat, at himpapawid:

Ang mga nagmamay-ari ng mga shopping mall sa Metro Manila ay kusang inihayag ang pansamantalang pagsasara ng kanilang mga establisimiento noong Marso 15, maliban sa mga supermarket, mga tindahan ng gamot, mga bangko, at mga convenience store, ayon sa mga ulat sa balita.

4. Ano ang mangyayari sa nakaplanong curfew?

Sa isang press conference noong Marso 16, sinabi ni IATF spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, ang binalak na 8 p.m. hanggang 5 a.m. na curfew ay nasapawan na ng mga alituntunin para sa enhanced community quarantine:

“Curfew is back home (Ang curfew ay sa bahay) ka …[Ito na ngayon] 24 hours strict curfew na ito…So superseded (Kaya nasapawan) na iyong mga curfews that were being imposed by the LGUs because ang (the) general rule is `stay at home’ (na ipinataw ng mga LGU dahil ang pangkalahatang tuntunin ay ‘manatili sa bahay’).”

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang Official Facebook, Message / Meeting with the IATF-EID, March 16, 2020

Department of Health Official Facebook, DOH-COVID-19 Announcement, March 17, 2020

Department of Health Official Facebook, In review: DOH confirmed 4th Filipino who recovered from COVID-19, March 17, 2020

Sen. Juan Miguel Zubiri Official Facebook, It is with sadness that i announce…, March 16, 2020

Department of Health, COVID-19 PH Tracker, March 17, 2020

Presidential Communications Operations Office, Guidance of President Rodrigo Roa Duterte on the COVID-19, March 16, 2020

Presidential Communications Operations Office, Public Address of President Rodrigo Roa Duterte on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), March 12, 2020

RTVMalacanang Official Youtube, Public Address of President Rodrigo Roa Duterte on the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), March 12, 2020

Philippine Statistics Authority, Highlights of the Philippine Population 2015 Census of Population, May 19, 2016

Official Gazette, Proclamation No. 922 s. 2020, March 8, 2020

Official Gazette, Stringent Social Distancing Measures and Further Guidelines for the Management of the COVID-19 Situation, March 13, 2020

Official Gazette, Community Quarantine over the Entire Luzon, March 16, 2020

Official Gazette, Republic Act No. 10623: Price Act, July 23, 2012

Manila International Airport Authority, Protocol in response to the COVID-19-Social Distancing Implementation, March 15, 2020

GMA News Online, Metro Manila malls to temporarily close amid COVID-19 threat, March 15, 2020

ABS-CBN News, Malls in Metro Manila close temporarily for community quarantine, March 15, 2020

Inquirer.net, Mall chain temporarily closes shops in metro due to community quarantine, March 15, 2020

ABS-CBN News Youtube, Cabinet officials explain Luzon-wide ‘enhanced community quarantine, March 16, 2020

Department of Transportation, Press Release: Foreign nationals, balikbayans, OFWs, may now depart PH during community quarantine period, March 18, 2020

Cabinet Secretary Karlo Nograles Official Facebook, REPLAY: IATF Press Briefer | Tuesday, March 17, March 18, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.