Matapos ang ilang buwang pinabilis na mga clinical trial, maraming mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang malapit na ngayong ilabas sa merkado, at may iilan na maaari nang gamitin ng publiko.
Isa sa mga ito ang RNA-based vaccine ng Pfizer Inc. at BioNTech SE na ginamit sa mass immunization campaign ng United Kingdom ー ang unang bansa na nagbakuna sa mga mamamayan nito.
Noong Dis. 8, gumawa ng kasaysayan ang 90-taong-gulang na si Margaret Keenan bilang unang taong nabakunahan.
Sa Pilipinas, hindi bababa sa apat na pharmaceutical companies ang kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri para sa mga independent clinical trial, hindi kasama ang AstraZeneca na kamakailan ay binawi ang aplikasyon nito ayon sa mga ulat sa balita na nagsasabing “mayroon na silang sapat na datos.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Alamin ang mga prospect na COVID-19 bakuna sa Pilipinas)
Samantala, hindi bababa sa 17 iba pang mga kandidatong bakuna ang isinasaalang-alang na kunin hanggang Nob. 27, ayon kay Jaime Montoya, executive director ng Department of Science and Technology at Philippine Council for Health Research and Development.
Ngunit para mabakunahan, kailangan munang harapin ang isa pang epidemic na kaugnay ng COVID-19.
Bukod sa inaasahang banta sa kalusugan na dala ng COVID-19 pandemic, ang outbreak ay sinamahan din ng isang pandaigdigang “infodemic,” na inilarawan ng World Health Organization (WHO) bilang “labis na labis na impormasyon,” kapwa online at offline, tumpak at hindi totoo.
Bilang unang pandemic sa panahon ng social media, ang nakataya ay higit na mas matindi. Ang parehong teknolohiya na tumutulong sa pagpapaliwanag sa publiko ang responsable rin sa pagpapalaganap ng misinformation.
Sinabi ng WHO na ang mis- at disinformation ay maaaring “makasama sa pisikal at pangkaisipan kalusugan ng tao; palalain ang stigmatization; ilagay sa alanganin ang mahahalagang ipinagbuti ng kalusugan; at humantong sa matumal na pagsunod sa mga hakbang para sa kalusugan ng publiko.”
Sa katunayan, kinilala ni International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies President Francesco Rocca ang misinformation bilang isang “parallel pandemic of mistrust” sa isang press release noong Nob. 30.
Inihalintulad din ng WHO ang pagkalat ng maling impormasyon sa kung paano kumalat ang isang virus.
“Ang isang tao ay maaaring magbahagi ng pekeng balita sa kanilang mga kaibigan at pamilya, at pagkatapos ang ilan sa kanila ang nagbabahagi nito sa higit pa sa kanilang mga kaibigan at pamilya, at bago mo malaman ito, ang potensyal na mapanganib o delikadong impormasyon ay nasa newsfeed na ng lahat,” sinabi nito sa information sheet na on navigating misinformation and disinformation.
Sa pagtatanim ng takot sa pamamagitan ng maling impormasyon, maaaring maapektuhan ang desisyon ng tao na magpabakuna. Ang mga kampanya sa pagbabakuna para sa pagsulong ng ligtas at mabisang mga bakuna ay maaaring hindi maabot ang kanilang mga target, na patuloy na bubuhay sa virus, ayon sa isang joint statement noong Set. 23 ng WHO at iba pang mga global partners.
Upang matulungan ang pag-flatten sa infodemic curve, kinausap ng VERA Files si Nat Gyenes ng global nonprofit Meedan, na nagsusulat at nagsasaliksik tungkol sa interseksyon ng kalusugan at teknolohiya at isang panauhing lecturer tungkol sa kalusugan sa Harvard School of Public Health. Sinabi niya na ang mga sumusunod ang red flags na dapat bantayan sa COVID-19 vaccine misinformation.
1. Pagpili ng mga salita
“Bukod dito, kung ito ay isang totoong pahayag, dapat din itong maging isang napakalaking, breaking news event!” dagdag ni Gyenes.
2. Pag-iisip ng sabwatan
Iwasan ang mga post o nilalaman na nagtataguyod ng mga teorya ng pagsasabwatan at hindi totoong pagpapasinungaling ng scientific research na batay sa ebidensya. Marami sa mga sumasawsaw sa teorya ng sabwatan tungkol sa bakuna ay mga hindi naniniwala sa bakuna — tumutukoy ito sa mga indibidwal na mayroong “napaka-negatibong pagtingin sa pagbabakuna at hindi bukas sa pagbabago ng isip anuman ang sabihin ng ebidensyang pang-agham,” ayon sa WHO.
Maaari nilang balewalain, tanggihan at baluktutin ang pinagkasunduan ng agham o maging mapili sa impormasyon.
3. Mga kasangkot na indibidwal o samahan
Ang kaalaman sa kaligtasan ng bakuna ay maaaring maimpluwensyahan ng kultura at paniniwala, ngunit ang bawat bansa ay may tiyak na mga kapanipaniwalang mapagkukunan ng impormasyon na sinusuportahan ng pamahalaan at eksperto. Ang mga yunit ng lokal na pamahalaan ay maaaring makatulong sa mga lokal na residente na mas maunawaan dahil sa mas pamilyar ang mga ito sa pamumuhay sa kapaligiran.
4. Mga natuklasang pang-agham na pananaliksik
Ang kakulangan ng kaalaman tungkol sa masamang epekto ng bakuna ay maaaring makadagdag ng mga panganib sa kalusugan, na maaaring humantong sa pagkasira ng tiwala at kumpiyansa sa mga eksperto sa kalusugan, mga kampanya sa pagbabakuna at mga gobyerno.
Ang mga malapit na kamag-anak ng mga taong tatanggap ng bakuna ay karapat-dapat ding malaman ang mga detalye tungkol sa bakuna, tulad ng pangalan nito, inaasahan o potensyal na masamang epekto, at tugon na nauugnay sa kalusugan sakaling magkaroon ng side effect.
5. Mga tradisyunal na treatment bilang kapalit ng bakuna
“Mayroong mga kaso ng mga pag-alala sa kaligtasan at pagiging epektibo sa tradisyunal na gamot,” sinabi ni Gyenes, na binanggit ang mga eksperto sa kalusugan mula sa Digital Health Lab ng Meedan na nagsabing kasalukuyang “walang pang-agham na katibayan para suportahan ang paggamit ng pang bahay o tradisyunal na mga therapy upang maiwasan ang COVID-19.”
“Sa mga kaso kung saan maaaring unahin ng mga indibidwal ang alternatibong gamot kaysa sa nakasanayang pangangalagang medikal na batay sa agham, maaari itong maging sanhi ng pinsala, halimbawa, nakadadagdag sa pag antala ng pagsunod sa mabisang panggagamot, o paglalagay sa mga indibidwal sa maaaring maiwasang peligro,” dagdag niya.
Ang roll-out ng bakuna ay isang mahalagang pandaigdigang priyoridad. At sa 2021, higit pang mga bakuna sa COVID-19 ang handa na para magamit ng publiko. Ngunit hindi lahat ay nagtitiwala sa mga organisasyong pangkalusugan at maging sa mga gobyerno na nagtataguyod ng mga bakuna.
“Mahalaga para sa global public health community na kilalanin na mayroong lehitimong kawalan ng tiwala na nararanasan ng mga pamayanan sa mga institusyong pangkalusugan,” sabi ni Gyenes.
Para malunasan ang sitwasyon, iminungkahi ni Gyenes ang higit na mas “accessible na content sa iba’t ibang mga wika, na may localized na impormasyong pangkalusugan na maaaring magamit ng lahat anumang antas ng kaalaman tungkol sa kalusugan at impormasyon.”
Ang paggamit ng katutubong wika sa pamamahagi ng impormasyon ay makakatulong sa mga nagdududa na itaguyod muli ang kanilang kumpiyansa sa mga eksperto sa public health at mga institusyon.
Mga Pinagmulan
BBC News, Covid-19 vaccine: First person receives Pfizer jab in UK, Dec. 9, 2020
CNN, First Britons receive Covid-19 vaccine, a landmark moment in the pandemic, Dec. 8, 2020
The Manila Times, Vaccine developer drops PH trials, Dec. 13, 2020
The New York Times, Coronavirus Vaccine Tracker
NPR, U.K. Begins Nationwide Coronavirus Immunization, Largest In Nation’s History, Dec. 8, 2020
Philstar.net, AstraZeneca backs out of planned vaccine trials in the Philippines, Dec. 11, 2020
Rappler, AstraZeneca no longer conducting COVID-19 vaccine trials in Philippines, Dec. 11, 2020
World Health Organization, Managing the COVID-19 infodemic: Promoting healthy behaviours and mitigating the harm from misinformation and disinformation, Sept. 23, 2020
World Health Organization, MODULE 6 Communication
World Health Organization, Responsible media reporting on COVID-19 vaccines, Dec. 7, 2020
World Health Organization Regional Office for Europe, Best practice guidance: How to respond to vocal vaccine deniers in public
World Health Organization Regional Office for Europe, EFFECTIVE COMMUNICATION OF IMMUNIZATION DATA
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)