Patuloy na humahatak ng pansin sa social media ang isang dalawang-buwang post sa Facebook (FB) na mali ang sinasabing ang pakikipagtalik ay nagreresulta ng deoxyribonucleic acid (DNA) ng isang lalaki na “nabubuhay” sa katawan ng isang babae “magpakailanman,” kasama ang iba pang mga kaugnay na kasinungalingan.
Noong Enero 10, isang netizen na naglathala sa FB ng isang litrato ng isang iskultura ng mixed media artist na si Kim Reyes. Ang litrato, na orihinal na na-upload sa 2007 blog post sa isang art exhibit kung saan itinanghal ang obra ni Reyes, ay nagtatampok ng isang torso ng babae na putol ang kalahati na nagpapakita ng mga mukha ng tao sa loob nito.
Ang imahen ay sinamahan ng isang mahabang caption na nagbabala sa mga kababaihan ng microchimerism — na tinukoy ng siyentipiko bilang “pagkakaroon ng mga cell mula sa isang indibidwal sa ibang genetically distinct na indibidwal” — kung sinabi ng post na “tunay na kahihinatnan” ng pakikipagtalik.
Ang post, na binanggit ang isang pag-aaral ng isang tinatawag na “University of Seattle,” ay gumawa ng pitong mga pahayag, na umikot sa saligang ang mga cell at DNA ng isang lalaki ay nananatili sa loob ng katawan ng babae pagkatapos ng pagtatalik.
Sinuri ng VERA Files Fact Check ang bawat isa at napag-alaman na isa lamang ang totoo, ang isa ay walang patunayan, habang ang iba ay hindi totoo.
Sa pag-aaral ng ‘University of Seattle’
Ang pinakamalapit na pananaliksik sa inilarawan ng post na isang pag-aaral noong 2012 tungkol sa male microchimerism ay isinagawa ng mga siyentipiko mula sa University of Washington sa Seattle, Washington. Nakita sa pananaliksik, na inilathala sa journal na PLOS ONE, ang cells ng lalaki sa utak ng 37 sa 59 na kababaihan na na test para sa eksperimento.
Gayunpaman, binigyang diin ng pag-aaral na ang microchimerism ay isang pangkaraniwang phenomenon sa katawan ng tao, at ang natatanging resulta ng pananaliksik ay ang posibilidad ng fetal microchimerism sa utak ng isang babae — o kung paano nakukuha ng utak ng isang ina ang DNA ng lalaki habang dinadala ang isang fetus na lalaki.
Ang pananaliksik ng University of Washington ay hindi kailanman binanggit ang pakikipagtalik bilang isang sanhi ng male microchimerism sa mga kababaihan.
Sa halip, sinabi nito na ang DNA ng lalaki na natagpuan sa mga utak ng mga babae ay “malamang” nagmula sa “ipinagbubuntis na male fetus.” Bukod sa pagbubuntis, sinabi nito ang iba pang mga pagmumulan ng male michrochimerism sa isang babae ay ang miscarriage, abortion, isang lalaking kambal, isang nakatatandang kapatid na lalaki, o isang pagsasalin ng dugo sa isang lalaki noong nakaraan.
Isang pag-aaral noong 2005 tungkol sa male microchimerism — na inilathala sa The American Journal of Medicine at isinagawa ng ibang pangkat ng mga akademiko din mula sa Seattle, Washington — ipinahiwatig ang pakikipagtalik bilang sanhi ng male microchimerism matapos ang DNA ng lalaki ay natagpuan sa mga blood cells ng mga kababaihan na hindi nagbuntis ng isang anak na lalaki. Gayunpaman, nilinaw ng pananaliksik na ito ay “isa lamang posibilidad na hindi pa sinisiyasat.”
Ang isang mas naunang pag-aaral, na nagawa noong 2015, ay nagmungkahi ng parehong posibilidad ng pakikipagtalik bilang isang sanhi ng male microchimerism sa mga batang babaeng Danish na “maaaring nagkaroon ng kanilang sexual debut” ngunit walang kasaysayan ng pagbubuntis.
Ang pananaliksik, gayunpaman, ay tinutukoy ito bilang “haka-haka” lamang, na nagsasabing ang iba pang mga mapagmumulan ng male microchimerism ay “malamang na mayroon.”
Ang obstetrician at gynecolonist na si Marinella Agnes Abat, isang miyembro ng Philippine Obstetrical and Gynecological Society, ay nagsabi sa VERA Files sa isang pakikipanayam sa email na, sa 20 milyon hanggang 200 milyong mga sperm cell na maaaring pumasok sa pag-aari ng isang babae sa panahon ng pakikipagtalik sa isang lalaki, ” iilan lamang ang makakapunta sa fallopian tubes at lalapit sa itlog.”
Ang mga hindi matagumpay ay maaaring mamatay agad o mabubuhay hanggang sa tatlo hanggang limang araw lamang. Ito ay sa kalaunan ay mamamatay dahil sa alinman sa mga sumusunod na kadahilanan:
- ang acidic na kapaligiran ng vagina ay papatay sa kanila;
- sila ay lumangoy sa maling fallopian tube; o
- papatayin sila ng mga cell ng immune system ng babae.
Sinabi ni Abat na kapag namatay ang mga sperm cells, “mawawalan sila ng kapasidad na mag ferilize ng itlog,” at pagkatapos ay matatanggal sa katawan ng babae sa pamamagitan ng regla o anumang mga vaginal secretion.
Sa fetus na nagdadala ng ‘DNA’ ng ibang kalalakihan na nakatalik ng babae
Hindi ito totoo, dahil ang isang fetus ay mabubuo lamang kapag ang isang sperm cell ng lalaki ay matagumpay na nag fetilize ng egg cell ng babae.
Sinabi ni Abat kapag ang isang sperm ay tumagos sa mga barrier na nakapaloob sa ovum (o ng egg cell), isang membrane na nakapalibot sa itlog na tinatawag na zona pellucida, “awtomatikong magsasara at hindi matatagos.” Ginagawa nitong mahirap para sa iba pang mga sperm na makapasok sa itlog. Mahalaga ang aktibidad na ito dahil pinipigilan ang polyspermy, o ang “ferilization ng isang itlog ng higit sa isang sperm.”
Ang polyspermy sa mga tao ay isang bihirang pangyayari. Sa ngayon, mayroon lamang dalawang naitala na mga kaso ng polyspermy ng tao sa mundo, kung saan ang dalawang magkakaibang hanay ng kambal ay matagumpay na nagawa ng pagsasanib ng dalawang sperm cell at isang egg cell. Ang mga kasong ito ay pinag-aralan noong 2006 at 2019.
Sa isang lalaki na nag-iwan ng ‘higit pa’ sa kanyang DNA sa babae na nakatalik niya ng maraming beses
Ang pahayag na ito ay hindi totoo, dahil ang genetic na materyal lamang sa loob ng sperm cell na nagawang mag fertilize ng egg cell ang dadalhin ng embryo ng tao na nilikha ng pagsasanib ng dalawa.
Ang mga patay na sperm, o iyung mga hindi nakakapasok sa mga dingding ng egg cell, ay mawawalan ng kakayahang mag fertilize at sa gayon ay “hindi makapagpapasa ng DNA” sa ovum, sinabi ni Abat. Idinagdag niya na sa pamamagitan lamang ng fertilization — o ang “pisikal na pagsasanib ng itlog at sperm” – maaaring mangyari ang paglilipat ng mga genetic na materyales.
Sa mga aktibidad ng sperm cell sa sandaling pumasok sa katawan ng babae
Ito ay hindi totoo. Sinabi ni Abat na ang cell sperm ng tao ay “genetically design” upang makasanib ang egg cell ng tao lamang. “Wala itong espesyal na kapangyarihan upang mag-drill butas sa makapal na pader ng vagina, cervix, o matris,” kaya’t “medyo imposible” para sa mga sperm cell na “tumulo” sa laman ng babae.
Tulad ng kung paano mamatay ang hindi matagumpay na mga sperm cell dahil sa acidic na kapaligiran ng vagina, ang mga sperm na pumapasok sa katawan ng babae sa pamamagitan ng bibig ay “hindi rin malamang na mabuhay nang lampas ng ilang minuto” dahil ang mga enzyme na narito sa laway ay may kakayahang pumatay sa kanila, sabi ni Abat.
Idinagdag niya na “ang mga patay na sperm cell ay hindi maaaring maglakbay lampas sa bibig,” at kahit na mangyari ito, ang microenvironment ng mga mata, tainga, ilong, utak, at gulugod ay hindi magpapahintulot na mabuhay ang mga sperm sa kanila.
Sa pagbabago ng DNA ng babae
Mayroong iba’t ibang mga pag-aaral na sinubukan na ipaliwanag ang phenomenon ng mga look-alike-couples, ngunit wala namang naiugnay dito sa male microchimerism o ang pagkakaroon ng “sobrang” DNA ng lalaki sa isang babae, na sinasabing nagiging sanhi ng pagbabago ng mga cell at DNA ng babae.
Natuklasan isang pag-aaral na isinagawa noong 1987 ng University of Michigan na ang mga mag-asawa na magkasama nang hindi bababa sa 25 taon ay nagkakaroon ng makabuluhang pagkakaparehong pisikal, ang antas na kung saan ay “nauugnay” sa “naiulat na higit na kaligayahan sa pag-aasawa.”
Napagalaman ng isa pang pag-aaral, na inilathala noong 2010 ng Personality and Social Psychology Bulletin, na ipinalalagay ng tao ang iba pang tao na kanyang kahawig o kamukha ng kanilang magulang na iba ang kasarian ay mas kaakit-akit kaysa sa mga hindi nagpapakita ng pagkakahawig sa kanila o sa kanilang mga magulang.
Panghuli, isang pag-aaral noong 2018 ng mga akademiko mula sa City University of Hong Kong at ng Chinese University of Hong Kong ay nagpalagay na ang “mas malapit na pagkakapareho sa napansin na personalidad” ng mag-asawa ay nakakaimpluwensya sa kanilang pagkakahawig ng mukha at kalidad ng relasyon.
Ang viral FB post ng netizen, na mayroong 20,600 reaksyon at naibahagi nang higit sa 38,300 beses, ay patuloy pa ring umiikot sa social media habang patuloy na ipinagdiriwang ng mundo ngayong Marso ang Women’s History History.
Ang mga online na artikulo na may katulad na mga pahayag ng FB post ng netizen ay dati nang napasinungalingan ng ilang mga organisasyon ng media na gumagawa ng fact-checking, tulad ng Snopes noong Hunyo 2017, Agence France-Presse noong Enero 2019, at Africa Check noong Setyembre 2019.
Mga Pinagmulan
Tammyvitale.com, Kim Reyes’ Self Discovery, April 12, 2007
Tammyvitale.com, ArtoMatic: Kim Reyes and Brenda Sylvia, April 12, 2007
Shrivastava, S., Naik, R., Suryawanshi, H., & Gupta, N. (2019). Microchimerism: A new concept. Journal of Oral and Maxillofacial Pathology, 23(2). doi:10.4103/jomfp.JOMFP_85_17
Chan, W.F.N., Gurnot, C., Montine, T.J., Sonnen, J.A., Guthrie, K.A., & Nelson, J.L. (2012). Male Microchimerism in the Human Female Brain. PLOS ONE, 7(9): e45592. doi:10.1371/journal.pone.0045592
Yan, Z., Lambert, N.C., Guthrie, K.A., Porter, A.J., Loubiere, L.S., Madeleine, M.M., Stevens, A.M., Hermes, H.M., & Nelson, J.L. (2005). Male microchimerism in women without sons: quantitative assessment and correlation with pregnancy history. The American Journal of Medicine, 118(8): 899-906. doi:10.1016/j.amjmed.2005.03.037
Müller, A.C., Jakobsen, M.A., Barington, T., Vaag, A.A., Grunnet, L.G., Olsen, S.F., & Kamper-Jørgensend, M. (2015). Microchimerism of male origin in a cohort of Danish girls. Chimerism, 6(4): 65–71. doi:10.1080/19381956.2016.1218583
Souter, V.L., Parisi, M.A., Nyholt, D.R., Kapur, R.P., Henders, A.K., Opheim, K.E., Gunther, D.F., Mitchell, M.E., Glass, I.A., & Montgomery, G.W. (2006). A case of true hermaphroditism reveals an unusual mechanism of twinning. Human Genetics, 121: 179–185. Retrieved from https://link.springer.com/article/10.1007/s00439-006-0279-x
Gabbett, M.T., Laporte, J., Sekar, R., Nandini, A., et al. (2019). Molecular Support for Heterogonesis Resulting in Sesquizygotic Twinning. The New England Journal of Medicine, 380:842-849. doi:10.1056/NEJMoa1701313
Zajonc, R.B., Adelmann, P.K., Murphy, S.T., & Niedenthal, P.M. (1987). Convergence in the Physical Appearance of Spouses. Motivation and Emotion, 11(4): 335-346. Retrieved from https://annenberg.usc.edu/sites/default/files/2015/04/29/Convergence%20in%20the%20Physical%20Appearnce%20of%20Spouses.pdf
Fraley, R.C. & Marks M.J. (2010). Westermarck, Freud, and the Incest Taboo: Does Familial Resemblance Activate Sexual Attraction? Personality and Social Psychology Bulletin, 36(9): 1202–1212. doi:10.1177/0146167210377180
Wong, Y.K., Wong, W.W., Lui, K.F.H., & Wong, A.C.N. (2018). Revisiting facial resemblance in couples. PLOS ONE, 13(1): e0191456. doi:10.1371/journal.pone.0191456
Snopes, Do Women Retain DNA From Every Man They Have Ever Slept With?, June 26, 2017
Agence France-Presse, No, these scientific studies do not show that a man’s DNA stays inside a woman forever after sexual intercourse, Jan. 19, 2019
Africa Check, No evidence that sex leads to male DNA in women’s brains, Sept. 11, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)