‘May habol ka ba sa habal?’: Kaligtasan ng pasahero sa 2 gulong
Sa probinsya man o lungsod, popular na alternatibo sa pagbagtas ng mga kalsada ang "habal-habal" — madalas upang makaiwas sa masikip na patintero ng trapiko. Pero hindi lahat ng sumasakay rito'y nakararating nang ligtas.