VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘nananatiling on track’ ang PH para maabot ang upper middle-income status sa 2023 nangangailangan ng konteksto
Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa United Nations General Assembly (UNGA) na ang Pilipinas ay nananatiling “on track” para maabot ang upper middle-income status sa 2023 “sa kabila ng mga hamon ng pandemya at ng pagkadiskaril ng pandaigdigang ekonomiya.” Ito ay nangangailangan ng konteksto.