VERA FILES FACT CHECK: Walang record si Liza Marcos bilang miyembro ng New York State Bar Association
Nakalista sa isang opisyal na bio page ni Louise “Liza” Araneta-Marcos, asawa ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ay miyembro ng New York State Bar Association (NYSBA), isang pribadong voluntary membership association para sa mga lisensyadong abogado sa state of New York. Wala itong basehan. Ayon sa NYSBA, sa kasalukuyan ay wala itong record ng pagiging miyembro ng isang Louise Araneta-Marcos.