Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Walang record si Liza Marcos bilang miyembro ng New York State Bar Association

WHAT WAS CLAIMED

Miyembro si Louise “Liza” Araneta-Marcos ng New York State Bar Association.

OUR VERDICT

No basis:

Walang rekord ng pagiging kasalukuyang miyembro ng asosasyon si Araneta-Marcos, at hindi rin siya nakalista sa state roll ng mga abogado na pinapayagang mag practice.

By VERA Files

Apr 8, 2022

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nakalista sa isang opisyal na bio page ni Louise “Liza” Araneta-Marcos, asawa ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na siya ay miyembro ng New York State Bar Association (NYSBA), isang pribadong voluntary membership association para sa mga lisensyadong abogado sa state of New York.

Wala itong basehan. Ayon sa NYSBA, sa kasalukuyan ay wala itong record ng pagiging miyembro ng isang Louise Araneta-Marcos.

PAHAYAG

Sa opisyal na website ng kanyang law firm na M & Associates, nakalista sa profile ni Araneta-Marcos ang mga sumusunod bilang isa sa kanyang mga propesyonal na affiliation.

Member (Miyembro): New York State Bar Association”

 

Pinagmulan: M & Associates official website, Marcos, Louise Araneta (Naka-archive), Na-access noong Abril 8, 2022

ANG KATOTOHANAN

Walang rekord ng pagiging kasalukuyang miyembro ng asosasyon si Araneta-Marcos, at hindi rin siya nakalista sa state roll ng mga abogado na pinapayagang mag practice.

#VERAfied: No record of Liza Marcos as member of New York State Bar Association

Nakipag-ugnayan ang VERA Files Fact Check sa NYSBA at Office of the Court Administrator (OCA) ng New York State upang alamin ang pagpaparehistro ni Araneta-Marcos sa ilalim ng mga posibleng pagkakaiba-iba ng kanyang mga pangalan noong dalaga pa at nang ikasal: Ma. Louise Araneta, Ma. Louise Marcos, Ma. Louise Araneta-Marcos, Louise Araneta, at Louise Marcos.

Ang pagtugon sa VERA Files sa pamamagitan ng email, sinabi ng NYSBA:

“At this time, our records show that Louise Araneta-Marcos is not a member of our Association (Sa ngayon, ang aming mga talaan ay nagpapakita na si Louise Araneta-Marcos ay hindi miyembro ng aming Association).”

 

Pinagmulan: New York State Bar Association, email correspondence, Abril 6, 2022

Samantala, sumulat ang Attorney Registration Unit ng OCA ng New York State bilang tugon sa tanong ng VERA Files Fact Check:

“A review of our files indicates no record of an individual listed as admitted as an attorney to the New York bar since 1920 with the name of ‘MARIE LOUISE ARANETA-MARCOS’, ‘MARIE LOUISE CACHO ARANETA’, or ‘LOUISE ARANETA MARCOS.’”

(Isang review ng aming files ay nagpapahiwatig na walang rekord ng isang indibidwal na nakalista bilang isang abogado sa New York bar mula noong 1920 na may pangalang ‘MARIE LOUISE ARANETA-MARCOS’, ‘MARIE LOUISE CACHO ARANETA’, o ‘LOUISE ARANETA MARCOS. ‘)

 

Pinagmulan: New York State – Attorney Registration Unit, email correspondence, Abril 6, 2022

Wala ring lumabas na resulta pagkatapos hanapin ng VERA Files Fact Check ang pangalan ni Marcos-Araneta sa Attorney Online Services – Search feature ng New York State Unified Court System.

Umugong sa Twitter ang usap-usapan ngayong linggo ang tungkol sa membership ni Araneta-Marcos sa NYSBA matapos mag-post ang isang netizen ng screenshot ng organisasyon, sa isang email na tugon din, na nagsasabing wala silang rehistradong miyembro na may ganoong pangalan.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

New York State Bar Association, personal communication (email), April 6, 2022

New York State – Office of the Court Administrator Attorney Registration Unit, personal communication (email), April 6, 2022

New York State Unified Court System, Attorney Online Services – Search

 

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.