VERA FILES FACT SHEET: Paano at kailan dapat uminom ng paracetamol
Sa ilang bahagi ng bansa, nag-report ang mga tao ng "pansamantalang kakulangan" ng mga brand ng paracetamol at gamot sa trangkaso sa mga lokal na parmasya kasunod ng biglaang pagdami ng mga karamdaman na parang trangkaso at coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections pagkatapos ng Pasko at dahil sa pagkalat ng Omicron variant.