Sa ilang bahagi ng bansa, nag-report ang mga tao ng “pansamantalang kakulangan” ng mga brand ng paracetamol at gamot sa trangkaso sa mga lokal na parmasya kasunod ng biglaang pagdami ng mga karamdaman na parang trangkaso at coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections pagkatapos ng Pasko at dahil sa pagkalat ng Omicron variant.
Gayunpaman, idineklara ng Department of Health (DOH) na “walang nangyayaring kakulangan.” Iniugnay ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mahigpit na supply ng mga gamot na ito sa isyu ng delivery tuwing holiday at hinikayat ang publiko na bumili ng mga generic na produkto.
Noong Lunes, Enero 10, sinabi ng Consumer Protection Group ng DTI na ang mga stock ay napunan na sa mga lokal na parmasya, at maaari na ngayong asahan ng mga mamimili ang “higit pa sa sapat” na supply ng mga gamot. Nang araw ding iyon, naglabas ng order ang dalawang ahensya na nagtatakda ng limitasyon sa pagbili ng paracetamol, mga produktong pinagsama sa paracetamol, at mga gamot na nagpapaluwag ng plema.
Para saan ang paracetamol at anong mga produkto ang naglalaman nito? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman:
1. Para saan ang paracetamol at kailan ito dapat inumin?
Ang paracetamol ay isang over-the-counter pain reliever na iniinom para “matugunan ang mga hindi masyado hanggang katamtamang kaso” ng pananakit ng katawan at mapababa ang lagnat. Maaari ring bawasan ng paracetamol ang mga sintomas ng COVID-19, ngunit sinasabi ng mga eksperto sa kalusugan na hindi kaya nitong gamutin ang viral infection.
“Ito (paracetamol) ay may mga limitasyon sa mga tuntunin ng tamang dosing dahil higit sa ilang mga dosis, ang tao ay maaaring magkaroon ng pinsala sa atay, sa partikular,” sabi sa Ingles ni Dr. Beaver Tamesis, presidente ng Pharmaceutical and Healthcare Association of the Philippines (PHAP).
Binigyang-diin ni Tamesis, managing director din ng multinational pharmaceutical company na Merck Sharp & Dohme, na ang maximum na dosis na inirereseta ng karamihan sa mga clinician para sa mga nasa hustong gulang ay tatlong grams ng paracetamol, o anim na 500-milligram (mg) na tableta bawat araw, na iniinom sa loob ng tuwing apat na oras na mga pagitan.
“Sa oras na sinimulan mo ang dosis nito nang higit sa tatlong grams bawat araw, pinapasok natin ang napaka, napakadelikadong teritoryo,” sabi sa Ingles ni Tamesis, na nagbabala na ang dosis ay iba para sa mga bata at dapat kumonsulta sa isang pediatrician.
Ipinaliwanag ng isang pandaigdigang pangkat ng mga eksperto sa pampublikong kalusugan mula sa non-profit na grupong Meedan:
“While paracetamol is routinely used to relieve COVID-19 symptoms, it is important to strictly respect the dosage prescribed as stated on the medication bottle. The dosage of paracetamol for adults is one to two 500-milligram tablets up to four times in 24 hours, with at least four hours in between doses. Any higher amount can be dangerous and is not advised.”
(Habang ang paracetamol ay regular na ginagamit upang mapawi ang mga sintomas ng COVID-19, mahalagang mahigpit na igalang ang dosis na inireseta gaya ng nakasaad sa bote ng gamot. Ang dosis ng paracetamol para sa mga nasa hustong gulang ay isa hanggang dalawang 500-milligram na tableta hanggang apat na beses sa loob ng 24 na oras, na may hindi bababa sa apat na oras sa pagitan ng mga dosis. Anumang mas mataas dosis ay maaaring mapanganib at hindi ipinapayo.)
Pinagmulan: Meedan’s Health Desk, Is paracetamol effective in treating or curing COVID-19?, Agosto 5, 2020
2. Paano dapat inumin ang paracetamol?
Nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan at mga parmasya na hindi dapat uminom ng paracetamol kasama ng anumang gamot na naglalaman nito upang maiwasan ang overdose, pinsala sa atay na sanhi ng gamot, at liver failure.
“Hindi mo dapat pinagsasama-sama ang iba’t ibang mga brand na potensyal na naglalaman ng paracetamol, tulad ng Bioflu, sa mga tabletang paracetamol dahil maaaring malapit ka nang ma-overdose,” sabi ni Tamesis sa Ingles.
“Ito ay dahil, siyempre, hindi mo palaging nakikita kung gaano karaming paracetamol ang nasa isang tableta. Masuwerte ka kung mayroon kang buong packaging at mababasa mo at mahahanap mo ang nilalaman na milligram [sa impormasyon ng produkto]. Pero kung ikaw ay bumili ng tingi in mga supermarket, drugstore, o kahit sa sari-sari store, kung minsan, hindi mo malalaman kung gaano karami ang [paracetamol] sa doon,” paliwanag niya sa Ingles. “Kaya ang pinakasimpleng payo? Huwag mong gawin iyan.”
Minsan ay pinagsasama ang paracetamol sa mga partikular na dosis sa iba pang mga compound, tulad ng mga nasal decongestant (phenylephrine hydrochloride) at antihistamines (chlorphenamine maleate).
Ang mga kilalang brand, gaya ng Bioflu ay umiiral na mula noong 2010 at Neozep mula noong 2012, pati na rin ang mga generic na produkto tulad ng Cortal Flu at NoFlu, lahat ay naglalaman ng 500 mg ng paracetamol gaya ng nakasaad sa impormasyon ng kanilang produkto. Ang isa pang generic form, ang Fludex ay naglalaman ng 325 mg ng paracetamol.
Binabalaan din ang mga pasyente laban sa pag-inom ng mga kumbinasyong produkto na may hiwalay na paracetamol tablet, gaya ng nakasaad sa information sheet ng ilan sa mga gamot na ito.
3. Ano ang sinasabi ng mga eksperto sa kalusugan tungkol sa pag-inom ng paracetamol at iba pang mga gamot upang mabawasan ang mga sintomas ng COVID-19?
Para sa banayad hanggang katamtamang mga kaso, ipinapayo ng DOH ang pag-inom ng paracetamol na may apat na oras na pagitan para sa lagnat na higit sa 37.5 degrees Celsius. Sa COVID-19 at-home care guidelines nito, sinasabi rin ng DOH sa mga pasyenteng ito na uminom ng mga iniresetang gamot para sa ubo at namamagang lalamunan, kung makaranas sila ng mga sintomas na ito.
“Sa ngayon, kung maaari kang magpasuri at pagkatapos ay magpositibo kayo, merong partikular na therapy kontra COVID[-19],” sabi sa magkahalong Ingles at Filipino ni Tamesis, na tumutukoy sa molnupiravir, isang experimental COVID-19 treatment pill na pumipigil sa pagkalat ng virus sa katawan at maaaring makatulong sa mga pasyente na “nanganganib na maglubha ang kaso.” (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Novel coronavirus: Anim na bagay na dapat mong malaman)
Noong Dis. 22, 2021, ang Philippine Food and Drug Administration ay nagbigay ng emergency use authorization sa molnupiravir ng Merck at Ridgeback. Maaaring magamit ito ng libre ng mga pasyente ng COVID-19 na kwalipikado para sa paggamot sa pamamagitan ng Bayanihan e-Konsulta ng Office of the Vice President, ayon sa reseta ng mga volunteer na doktor nito.
Ang mga gamot na ito, gayunpaman, ay hindi angkop sa mga pasyente may malalangkaso ng COVID-19 na kailangang i-refer sa COVID-19 hospitals.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Inquirer.net, Group: Some areas having ‘temporary shortage’ of paracetamol brands, Jan. 4, 2022
GMA News Online, Temporary paracetamol shortage experienced in some areas –pharma group, Jan. 4, 2022
One News, Some Areas See Shortage Of Paracetamol Brands, Jan. 5, 2022
Department of Health Official Facebook Page, On the Alleged Shortage of Paracetamol and Other Drugs, Jan. 4, 2022
Department of Trade and Industry Philippines, READ | DTI ADVISORY: On the Issue of Paracetamol Supply, Jan. 5, 2022
ABS-CBN News, DTI: Paracetamol supply expected to ‘normalize’ as drugstores replenish inventory, Jan. 10, 2022
SunStar, DTI expects replenishment of Paracetamol in drugstores on weekend, Jan. 10, 2022
Philippine News Agency, Paracetamol, flu meds supply back to normal this weekend: DTI, Jan. 7, 2022
Department of Trade and Industry, JOINT MEMORANDUM CIRCULAR NO. 22-01, Jan. 10, 2022
What is a paracetamol?
- National Health Service Inform (Scotland), Paracetamol, Oct. 11, 2021
- UNILAB, Do’s and Don’ts When Taking Paracetamol, Accessed Jan. 4, 2022
- Personal communication, Dr. Beaver Tamesis, Jan. 7, 2022
- Meedan’s Health Desk, Is paracetamol effective in treating or curing COVID-19?, Aug. 5, 2020
How should one take it?
- ProHealth Pharmacy Official Facebook Page, BAWAL NA BAWAL PAGSABAYIN!, Sept. 30, 2020
- Healthdirect Australia, Paracetamol., August 2020
- National Health Service (United Kingdom), Paracetamol for adults, May 23, 2019
- National Institutes of Health (U.S. National Library of Medicine), Liver injury induced by paracetamol and challenges associated with intentional and unintentional use, April 27, 2020
- National Center for Biotechnology Information (U.S. National Library of Medicine), Phenylephrine hydrochloride, Accessed Jan. 11, 2022
- National Center for Biotechnology Information (U.S. National Library of Medicine, chlorphenamine maleate, Accessed Jan. 11. 2022
- UNILAB, Bioflu, Accessed Jan. 11, 2022
- UNILAB, Neozep, Accessed Jan. 11, 2022
- ATC Healthcare International Corporation, Cortal Flu, Accessed Jan. 11, 2022
- ATC Healthcare International Corporation, NoFlu, Accessed Jan. 11, 2022
- The Generics Pharmacy, Fludex, Accessed Jan. 11, 2022
- UNILAB, Bioflu (Patient Information Leaflet), Accessed Jan. 11, 2022
- UNILAB, Neozep (Patient Information Leaflet), Accessed Jan. 11, 2022
COVID-19 symptoms and paracetamol
- Department of Health, COVID-19 Guide, Accessed Jan. 11, 2022]
- Meedan’s Health Desk, How does Merck’s Molnupiravir differ from Ivermectin?, Oct. 5, 2021
- Philippine Food and Drug Administration, Emergency Use Authorization (EUA) for Molnupiravir [MOLNARZ], Dec. 22, 2021
- Department of Health, COVID-19 FAQs, May 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)