Sa panghihikayat sa mga Pilipino na huwag iboto ang opposition senator at vice presidential aspirant na si Francis “Kiko” Pangilinan, muling gumawa ng maling pahayag si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa Juvenile Justice Welfare Act na inakda ng mambabatas.
Panoorin ang video na ito:
Ang discernment ay tinukoy ng Korte Suprema bilang kakayahan ng isang bata na “maunawaan ang pagkakaiba ng tama at mali at ang mga kahihinatnan ng maling gawain.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte misinforms public on juvenile justice law)
Para sa mga seryosong krimen tulad ng pagpatay, panggagahasa, at robbery with homicide, ang children in conflict with the law (CICL) na 15 hanggang 18 taong gulang at gumawa ng krimen na may discernment, ay maaaring sumailalim sa isang diversion program, na binuo depende sa bigat ng ebidensya, personal na kalagayan ng bata, dalas at tindi ng ginawa, bukod sa iba pang mga kadahilanan.
Ang mga may nakabinbing paglilitis ay kailangang manatili sa isang Bahay Pag-Asa, isang 24-hour juvenile detention center na nagbibigay ng pangangalaga sa mga bata.
Ang mga batang hindi makapasok sa diversion ay sasailalim sa normal na proseso ng korte. Kung napatunayang nagkasala, ang kanilang pagkakakilanlan ay mananatiling kumpidensyal.
Ang CICL na 12 hanggang 15 taong gulang at napatunayang nakagawa ng malalang krimen ay “exempted from criminal liability” ngunit ilalagay sa Bahay Pag-Asa nang hindi bababa sa isang taon at magkakaroon ng intensive juvenile intervention.
Ganoon din sa mga umuulit na nagkasala na sumailalim na sa interbensyon ng komunidad.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
RTVMalacanang YouTube, President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Jan. 10, 2022
RTVMalacanang YouTube, Part 1: President Rodrigo Roa Duterte’s Talk to the People, Jan. 4, 2022
Official Gazette of the Philippines, RA No. 9344: Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, April 28, 2006
Official Gazette of the Philippines, RA No. 10630: Act amending Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, Oct. 3, 2013
Juvenile Justice Welfare Council, Revised Rules and Regulations Implementing Republic Act No. 8 9344, as amended by R.A. 10630
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)