Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Sa kung ilang pagkakataon, Duterte inulit ang maling pahayag na lahat ng mga hukom ng ICC ay ‘puti’

Muling sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang “Talk to the People” noong Enero 4, ang walang katotohanang pahayag na puro “puti” ang mga hukom ng International Criminal Court (ICC).

By VERA Files

Jan 10, 2022

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Muling sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa kanyang “Talk to the People” noong Enero 4, ang walang katotohanang pahayag na puro “puti” ang mga hukom ng International Criminal Court (ICC).

Hindi bababa sa apat na beses, sa bilang ng VERA Files Fact Check, ginawa ni Duterte ang maling pahayag na ito. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte, Panelo nagpakawala ng tatlong maling pahayag tungkol sa ICC)

Ang kasalukuyang 18 mga hukom ng ICC na naka-base sa The Hague ay ang mga sumusunod: apat mula sa African states, apat mula sa Latin American at Caribbean states, dalawa mula sa Asia-Pacific states, tatlo mula sa Eastern European states, at lima mula sa Western European at iba pang states.

ANO RAW infographic: Duterte inulit ang maling pahayag na lahat ng mga hukom ng ICC ay 'puti'

Noong Nobyembre 2021, inihayag ni ICC Prosecutor Karim Khan ang pansamantalang pagsususpinde ng imbestigasyon ng kanyang tanggapan sa mga sinasabing krimen laban sa sangkatauhan na ginawa sa ilalim ng “giyera laban sa droga” ni Duterte. Ang pagsuspinde ay nangyari matapos magsumite ng kahilingan ang gobyerno ng Pilipinas na ipagpaliban ang imbestigasyon ng ICC prosecutor. (Tingnan ang ICC prosecutor: Gov’t request to defer drug war probe must be backed with ‘substantial’ evidence at ICC authorizes full-blown probe into Duterte’s drug war)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte – Part I, Jan. 4, 2022 (transcript)

International Criminal Court, Who’s who, Accessed Jan. 7, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.