VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Sotto na 3 opisyal ng gobyerno lamang ang may pribilehiyo ng ‘priority landing and takeoff’ MALI
Bilang reaksyon sa isang Facebook post ng isang piloto ng Cebu Pacific Airlines na nagsasabing humiling si Vice President Leni Robredo ng priority landing para sa eroplanong sinasakyan niya na nakapagpaantala at nagpalihis ng ibang mga flight noong nakaraang buwan, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na mayroong tatlong opisyal ng gobyerno na maaaring bigyan ng “priority landing at takeoff” sa bansa. Hindi totoo ang pahayag ni Sotto.