VERA FILES FACT CHECK: Lorenzana mali sa pagsabi na ‘lahat’ ng mga barangay sa Metro Manila ay may mga presinto ng pulisya; pahayag na UP campus may ‘private army’ kailangan ng konteksto
Sa pagbibigay-katwiran sa unilateral abrogation ng 1989 UP-DND Accord at muling pagpasok ng mga patrolya ng pulis sa mga campus ng University of the Philippines (UP) para sugpuin ang sinasabing recruitment ng mga rebeldeng komunista, nagkamali si Defense Secretary Delfin Lorenzana ng pahayag na bawat barangay sa Metro Manila ay mayroong presinto ng pulisya.