VERA FILES FACT SHEET: Bakit gustong ipagpaliban muli ng mga mambabatas ang barangay at SK elections?
Pinag-iisipan ng Kongreso ang pagpapaliban sa ikatlong pagkakataon ng halalan para sa mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa kabila ng pagtiyak ng Commission on Elections (Comelec) sa kahandaan nitong isagawa ang eleksyon ayon sa nakatakdang petsa Dis 5 ngayong taon.