VERA FILES FACT CHECK: LTO Chief bumaligtad sa sinabing contingency plan para sa kakulangan ng mga plaka
Binago ni Land Transportation Office (LTO) chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang kanyang naunang pahayag na maaaring “gumawa” ng plate number ang mga may-ari ng sasakyan para matugunan ang isyu ng kakulangan.