VERA FILES FACT CHECK: Pahayag na si dating spox Roque ang gumawa ng health care law nangangailangan ng konteksto
Isang infographic ang nagbigay kredito sa dating Kabayan Party-list representative na si Harry Roque bilang may-akda ng Universal Health Care Law. Nangangailangan ito ng konteksto dahil isa lamang siya sa mahigit isandaang iba pang mambabatas na nakalista bilang mga may-akda.