VERA FILES FACT CHECK: Roque binaluktot ang pagiging bukas ni Robredo sa pagsama kay Duterte sa iminungkahing infomercial ng bakuna
Binigyan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ng masamang kahulugan ang positibong reaksyon ni Vice President Leni Robredo sa panukala ng isang senador na sumama siya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang informative commercial (infomersyal) para palakasin ang kumpiyansa ng publiko sa bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).