VERA FILES FACT SHEET: Tatlong bagay na dapat mong malaman tungkol sa COVID-19 ventilators
Kahit wala pang gamot na napapatunayang epektibo para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ang bilang ng mga naitalang pasyente sa bansa na gumaling sa sakit ay patuloy na tumataas mula noong kalagitnaan ng Abril, ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH).