Kahit wala pang gamot na napapatunayang epektibo para sugpuin ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ang bilang ng mga naitalang pasyente sa bansa na gumaling sa sakit ay patuloy na tumataas mula noong kalagitnaan ng Abril, ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH).
Noong Hunyo 22, ang DOH COVID-19 Bulletin ay nagpakita ng kabuuang 21,362 aktibong kaso. Sa mga pasyente na nasa ospital, 67 ang mga malubhang kaso, o mga pasyente na nakakaranas ng hirap sa paghinga, habang 18 ang nasa kritikal na kondisyon at naka-intubate, o humihinga sa pamamagitan ng isang tubo na nakasaksak sa lalamunan at patungo sa windpipe.
Ang paggamot ng COVID-19 sa mga health facility ay nakatuon sa suporta sa pag-aalaga, na tumutulong sa mga pasyente na mapanatili ang mga vital life function habang ang kanilang mga katawan ay nagpapagaling. Marami sa mga nakaligtas ay umabot sa kritikal na kondisyon at kinakailangang ma-intubate at ilagay sa mga mechanical ventilator para mapagaan ang kanilang hirap sa paghinga.
Ano ang mechanical ventilator at paano nito natutulungan ang mga pasyente ng COVID-19 na magumaling? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman:
1. Ano ang mga therapeutic benefit ng ventilator sa mga pasyente ng COVID-19?
Isang uri ng life support, ang ventilator ay makina na ginagamit para makatulong sa pagpasok ng hangin sa loob at labas ng baga ng mga pasyente na, dahil sa kanilang kondisyon, ay nahihirapan na huminga mag isa.
Ang mga nahawaan ng SARS-CoV-2 — ang virus na nagdudulot ng COVID-19 — ay nasa peligro ng pagkakaroon ng mga komplikasyon sa paghinga tulad ng pneumonia at, sa mas malubhang mga kaso, acute respiratory distress syndrome, isang uri ng lung failure, ayon sa isang Johns Hopkins Medicine explainer.
Sa ganitong mga kaso, ang isang mechanical ventilator ay tumutulong sa pasyente sa pamamagitan ng pagtulak ng hangin, na maaaring may kasamang ekstra na oxygen, sa airway at baga. Maaari rin itong may carbon dioxide sa labas ng baga kapag huminga ang mga pasyente.
Gayunpaman, ang paggamit ng mga ventilator ay maaari ring magdulot ng mga panganib sa mga pasyente. Halimbawa, kapag gumagamit ng ventilator ang pasyente ay mas madaling ma-pulmonya, maaaring mapinsala ang vocal cords o baga, o maging sanhi ng iba pang mga problema.
2. Sino ang dapat kabitan ng ventilator?
Ang mga pasyente ng COVID-19 na nangangailangan ng mga ventilator ay iyong mga nasa kategorya ng malubha o kritikal na sakit, sinabi ni Doctor Faith Joan Gaerlan, training officer sa University of the Philippines – Philippine General Hospital, sa VERA Files sa isang email.
Ang mga nakakaranas ng mga sintomas, kabilang ang hirap sa paghinga na “walang pagbabago sa paghinga at oxygenation,” sa kabila ng pangangasiwa ng oxygen gamit ang isang “airway adjunct,” o “altered sensorium,” na may kaugnayan sa kawalan ng kakayahan na mag-isip at mag concentrate maigi, kasama ang bawas na kamalayan, ay maaari rin bigyan ng parehong treatment, idinagdag ni Gaerlan, na isang miyembro din ng Medical Action Group.
Sinabi niya na ang mga taong may kritikal na sakit na nangangailangan ng mga mechanical ventilator ay mas mabuting subaybayan sa isang intensive care unit (ICU) kung saan ang “kagamitan at mga tao ang pinakaangkop para sa pangangalaga ng mga pasyente na ito.” Gayunpaman, idinagdag niya na hindi lahat ng nasa ICU ay naka ventilator:
“A COVID-19 patient, for example, who developed a stroke during his COVID confinement, might not have difficulty with breathing or respiratory problems but will be placed in the ICU because deterioration in neurologic function must be continuously monitored.
(Ang isang pasyente ng COVID-19, halimbawa, na nai-stroke habang nasa ospital dahil sa COVID, ay maaaring hindi nahihirapan sa paghinga o may problema sa paghinga ngunit mailalagay sa ICU dahil ang paglala ng neurologic function na dapat na patuloy na subaybayan.)”
Ang mga moderate na kaso “ay hindi nangangailangan ng ventilatory support” dahil “maaari pa nilang suportahan ang sariling paghinga.” Mayroong, gayunpaman, ilang mga exception para sa mga matatanda, immunocompromised o may unstable co-morbid na kondisyon, na maaaring dahilan para ang mga pasyenteng ito ay mas malamang na magkaroon ng malubha o kritikal na uri ng coronavirus infection, sabi ni Gaerlan.
Sa isang email ng Hunyo 15 sa VERA Files, sinani ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang itatagal ng mga pasyente sa pag gamit ng mechanical ventilation “ay nakasalalay sa maraming mga kadahilanan” tulad ng “mga gamot at katayuan ng nutrisyon ng mga pasyente.” Idinagdag niya na walang “tiyak na tagal ng oras” para sa pangangasiwa ng naturang paggamot sa mga indibidwal.
Dagdag pa, ang “kaligtasan ng mga pasyente ng COVID-19” na inilagay sa mechanical ventilation ay maaari ring nakasalalay sa mga kadahilanang klinikal tulad ng bacterial co-infection, nutritional status, edad, at comorbid disease, sinabi ni Vergeire.
Ang mga ventilator ay hindi gamot sa COVID-19 o iba pang mga karamdaman. Sa halip, nagbibigay lamang ito ng supportive care sa mga pasyente, at maaaring mai-disconnect sa sandaling maayos na silang makahinga nang mag isa.
Ang mga mechanical ventilator ay madalas na ginagamit muli para sa iba pang mga pasyente pagkatapos ng wastong sanitization at disinfection. Maaari rin itong mantinahin at ayusin para para sa isang magamit nang mas matagal, idinagdag ni Vergeire.
3. Mayroon ba tayong sapat na ventilators?
Ipinapakita ng DOH tracker na ang bansa ay may kabuuang 1,996 mechanical ventilators na eksklusibong nakatuon para sa mga pasyente ng COVID-19 noong Hunyo 23, batay sa datos mula sa 1,913 health facilities, kabilang ang mga pampubliko at pribadong ospital at mga medical clinic, sa buong bansa. Ang DataCollect App ng DOH ay nagpapakita ng 406 o 20.34 porsiyento ng mga ito ay kasalukuyang ginagamit, habang 1,590 o 79.66 porsyento ang naka standby.
Upang maiwasan ang pagkalat ng virus, ang isang silid ay maaaring tumanggap lamang ng isang pasyente ng COVID-19 sa isang pagkakataon, at walang dalawang pasyente ang pinapayagan na gumamit ng iisang ventilator at iba pang life support equipment, ayon kay Doctor Norberto Francisco, tagapagsalita ng Lung Center of the Philippines, isang COVID-19 referral hospital sa Quezon City. Sinabi ni Francisco sa VERA Files sa isang panayam noong Abril 16, na naka-link ang demand ng ventilator sa bilang ng mga ginagamit na kama sa ICU.
Ang datos ng DOH hanggang Hunyo 23 ay nagpakita na mayroong 1,314 ICU beds sa Pilipinas na nakatuon sa mga pasyente ng COVID-19: 473, o 36 porsiyento, ay may gumagamit, habang ang 841, o 64 porsyento, ay walang gumagamit.
Sa isang briefing ng Laging Handa noong Mayo 27, sinabi ni Vergeire na ang kasalukuyang occupancy rate sa bansa sa mga ospital na may kaugnayan sa bilang ng mga kaso ay nagpapakita ng “magandang indikasyon” sa health capacity nito, na mapapansin na ang mga ICU at mechanical ventilators ay “hindi maxed out” sa 1,303 ICU beds ng bansa (38.40 porsyento na inookupahan) at 1,961 na mga ventilator (19 porsyento na ginagamit).
Noong Abril 13, nabanggit ng DOH ang kakulangan ng suplay sa mga personal protective equipment, ventilators, at respirators — na may 1,236 na mga ventilator lamang na magagamit sa buong bansa noong Abril 1.
Nanawagan ang kagawaran sa mga lokal na establisimiyento upang gumawa ng nasabing kagamitan nang hindi kinakailangang kumuha ng isang Certificate of Product Notification o Registration dahil sa state of public health emergency. Gayunpaman, kailangan pa rin ng mga manufacturer na makakuha ng lisensya para mag operate mula sa Food and Drug Administration bago sila makapagsimula ng production.
Ang Department of Science and Technology ay bumuo ng isang portable ventilator na dinisenyo sa bansa at tinawag na Ginhawa (ReliefVent), na kasalukuyang gumagawa ng prototypes.
Mga Pinagkunan
Department of Health, COVID-19 Tracker, Retrieved on June 23, 2020
Department of Health Facebook, COVID-19 Case Bulletin #101, June 23, 2020
Department of Health, Press Release: DOH explains COVID-19 treatment protocols, April 16, 2020
Benefits of ventilators
- National Heart, Lung, and Blood Institute, Ventilator/Ventilator Support
- American Thoracic Society, Patient Education, Information Series: Mechanical Ventilation, April 2020
- John Hopkins Medicine, What Coronavirus Does to the Lungs
Administration of ventilators
- Personal communication with Dr. Faith Joan Gaerlan, June 16, 2020
- Medical Action Group website, Retrieved on June 23, 2020
- World Health Organization, Patient triage and referral for resource-limited settings during community transmission, March 22, 2020
- Department of Health Facebook, Virtual Presser, April 16, 2020
- Department of Health, COVID-19 FAQS: Who are most likely to present with severe symptoms?, March 2, 2020
- World Health Organization, Patient triage and referral for resource-limited settings during community transmission, March 22, 2020
- Department of Health Facebook, Virtual Presser, April 16, 2020
- Department of Health, COVID-19 FAQS: Who are most likely to present with severe symptoms?, March 2, 2020
- Freedom of Information-Department of Health, COVID-19 Ventilators, June 15, 2020
Ventilators’ supply
- Personal communication with Dr. Norberto Francisco, April 16, 2020
- Presidential Communications Operations Office, Public Briefing #LagingHandaPH, May 27, 2020
- Department of Health, DOH COVID-19 Case Bulletin #074, May 27, 2020
- Department of Health, Reiteration of FDA circular on interim guidelines of PPEs, ventilators, respirators in light of COVID-19, April 13, 2020
- ABS-CBN News, UP scientists making ventilators as coronavirus cases mount: health dept, April 1, 2020
- Rappler, DOH requests purchase of P1.3 billion worth of ventilator, April 20, 2020
- Philstar, COVID-19 cases sa bansa halos 5,000 na habang gumagaling 242 pa lang, April 13, 2020
- Fortunato de la Peña Facebook, Meeting with members of the the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at Malacañang Palace, April 27, 2020
- Philippine Council for Health Research and Development, Ginhawa(ReliefVent), Oct. 1, 2018
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)